Robin Padilla reveals BB Gandanghari is now working as Uber driver in the U.S.

IMAGE Noel Orsal / Courtesy @gandangharibb on Instagram

Inihayag ni Robin Padilla na may bagong trabaho ngayon ang kanyang kapatid na si BB Gandanghari—ang pagiging Uber driver sa US. Nag-aalala lamang siya sa kaligtasan nito dahil kung saan-saan daw ito nakakarating kasama ang mga hindi kakilalang tao. 


Bukod sa pagiging androgynous model sa Amerika, nagtatrabaho rin ngayon doon bilang Uber driver si BB Gandanghari.

Ito ay ayon sa nakababatang kapatid niyang si Robin Padilla, base sa panayam nito sa Magandang Buhay ng ABS-CBN at lumabas din sa ABS-CBN News Online ngayong Miyerkules, December 6.

Lahad ng aktor, “Nandoon siya sa Amerika, nakikipagsapalaran. Uber driver siya doon.

“Medyo kinakabahan lang ako dahil siyempre Amerika yun. Hindi ko naman kabisado ang mga tao doon.

"Kung saan-saan siya minsan pumupunta. Nagku-cross country siya para sa mga hindi niya kilala."

Pero diin ni Robin, "Okay na okay si BB."

Sa patuloy ng panayam sa kanya, ikuwento rin ni Robin kung paano sila nag-aaway ni BB—na kilala noon bilang Rustom Padilla—noong mga bata pa sila.

Kuwento niya, “Noong mga bata kami, kaming dalawa talaga yung magkasama niyan.

"Kaya siguro 80 percent ng away ko, tungkol sa kanya yun, kasi lagi siyang tinutukso noong araw.

“Siyempre kapatid ka, masakit sa tenga mo yun.

"Hindi ko makakalimutan na kaming dalawa talaga ang magkasama noon.

"Hanggang ngayon... iba na nga lang ngayon dahil babae na siya ngayon."

Taong 2016 nang aprubahan ng korte sa U.S. na isa nang ganap na babae si BB. 


Stories We Are Tracking

BB Gandanghari is now legally a woman in U.S.
BB Gandanghari is now legally a woman in U.S.
BB Gandanghari bids farewell to Rustom Padilla
BB Gandanghari bids farewell to Rustom Padilla


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN