Daniel Matsunaga on sexy photos of ex-GF Erich Gonzales: "Wala akong reaction."

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Daniel Matsunaga on ex-girlfriend Erich Gonzales: "What I had with her is past, e, tapos na."


Hindi pa raw nakikita ni Daniel Matsunaga ang daring sexy shots ng ex-girlfriend niyang si Erich Gonzales.

Nabalitaan lang daw niyang pinagpipyestahan ngayon ng netizens ang calendar photos ng Kapamilya actress para sa isang liquor brand.

Ayon kay Daniel, “I heard about it, yes. Wala akong reaction.

“What I had with her is past, e, tapos na.”

Bagamat wala nang masyadong balita si Daniel kay Erich, masaya naman daw siya para sa dating kasintahan.

“Yes naman,” sambit niya.

“Actually, I have nothing to do with it anymore. 

“I’m very happy with my love life now, with my blessing, with my family.

“Yun lang ang importante sa akin ngayon, ayoko nang mag-focus sa past ko, done.

“What’s past is in the past, let’s just forget about it. 

“Moving on, present, future, my friends in the future.”

Sana lang daw ay matulad sila ni Erich kay Heart Evangelista, na ex-girlfriend din ng Brazilian-Japanese model-actor.

“I am friends with Heart… let’s see.

“God really has His ways, hopefully, in the future, things will be okay.

“We’ll just pray for that. Congrats, congrats sa kanya.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel bago magsimula ang presscon proper ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 entry na Meant To Beh.

Ginanap ito sa Annabel’s restaurant, sa Quezon City, kahapon, December 5.

Gaganap si Daniel na third wheel sa relasyon nina Vic Sotto at Dawn Zulueta sa pelikula. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN