Kirst Viray comes clean on relationship with Kiray Celis: "Wala talaga."

IMAGE Kirst Viray Instagram

Diretsahang sinagot ng model-actor na si Kirst Viray na bagama't naging malapit sila ng young comedienne na si Kiray Celis, hindi siya nagpakita ng interes dito. Dugtong niya, "Ewan ko, sa babae kasi minsan kapag nasosobrahan na yung sweetness ng lalaki, nami-misinterpret nila."


Kilala na sa modeling circles si Kirst Viray, ngunit hindi maitatangging mas naging maingay ang pangalan ng modelo nang ma-link siya sa comedienne na si Kiray Celis.

Pumutok ang balita tungkol sa kanila ni Kiray simula nung Pebrero ng taong kasalukuyan.


Stories We Are Tracking

Is Kiray Celis dating model-actor Kirst Viray?
Is Kiray Celis dating model-actor Kirst Viray?

Nagkaroon pa nga ng coined names ang kanilang tambalan: KiKi o KirKir.

Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagtatanong kung ano ang totoong namamagitan sa kanila.

"Ang alam ko, sinagot na niya 'yan, e," nangingiting sabi ni Kirst, pagtukoy kay Kiray.

"Actually, sinagot na namin noong naglaro kami ng Minute To Win It, na we’re friends talaga.

"Yung closeness naming dalawa, sobrang ganun talaga."

Walang romantic involvement?

"Romantic? Hindi ko alam, sobrang sweet lang talaga namin, ganun."

Hindi ba si Kiray ang tipo niyang babae?

Ayon kay Kirst, "Hindi naman [sa hindi type], pero wala pa kasi ako sa point na pumasok sa relationship.

"Galing kasi ako sa long-term relationship na almost five years.

"Yung breakup namin, sobrang worse talaga, sobrang sakit at ang hirap maka-move on.

"Until now, yung mga kaibigan namin, akala nila hindi pa rin ako nakaka-move on dahil doon sa last relationship namin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kirst sa isang pocket presscon sa Fleur de Lys coffee shop, sa Tomas Morato, Quezon City, noong Martes, December 5.

MIXED SIGNALS. Diretsahan namang sinabi kay Kirst na parang nagbigay sila ni Kiray noon ng mixed signals.

Base kasi sa posts nila noon sa social media, parang gusto rin nilang akalain ng mga tao na may relasyon sila.

Paliwanag ng model-actor, "Paano ba? We’re honest naman, yung sweetness namin, hindi talaga sinadya.

"Never naming pinagplanuhan yung mga ganun. Si Kiray kasi, sobrang malambing talaga siya.

"So ako, hindi ko naman siya inisip na parang may something kaya sobrang close talaga namin.

"Nag-a-out-of-town kami, ganun pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpakita ba siya ng interes kay Kiray?

"Hindi, e," mabilis na sagot ni Kirst.

"Ewan ko, sa babae kasi minsan, kapag nasosobrahan na yung sweetness ng lalaki, nami-misinterpret nila."

Alam naman daw ni Kiray ang katayuan nito sa buhay ni Kirst, at hindi mami-misinterpret ang sweetness na ipinapakita niya sa aktres. 

"Hindi, same lang kami, equal lang. At hindi siya na-in love," pagdidiin pa ng La Luna Sangre cast member.

REAL SCORE. Ngayon ay burado na sa Instagram ang lumang posts ni Kiray patungkol kay Kirst.

In-unfollow na rin siya ng aktres noong Setyembre. Katunayan ay wala nang pina-follow na sinuman ang aktres sa photo/video-sharing app.


Stories We Are Tracking

Is it over between Kiray Celis and Kirst Viray?
Is it over between Kiray Celis and Kirst Viray?

Tinanong namin si Kirst kung ano na sila ngayon ni Kiray.

"We’re good friends talaga," tugon niya.

Hindi naman daw isinasara ni Kirst ang pinto sa posibilidad na mauwi sa relasyon ang closeness nila ng dalaga.

"Ayoko namang magsalita nang patapos, siyempre hindi mo naman masabi.

"At saka, hindi rin naman malabong magustuhan mo si Kiray kasi sobrang bait.

"Pero ngayon, wala talaga."

Alam daw ni Kirst na ang closeness nila ni Kiray noon ay biglang naging maingay at nag-trending pa nga, dahil sa usap-usapang ginagamit lamang daw niya ang young actress. 

Ikinagulat man niya ito, mas pinili raw ni Kirst ang manahimik na lang kesa sa sagutin pa ang naturang akusasyon.

"Yun ang mali ko, kasi never akong sumasagot.

"Noong nag-trending kami, gusto nila akong ma-interview, pero never akong nagpa-interview.

"Pero kaya ako hindi nagpa-interview kasi baka isipin nga ginagamit ko.  

"So, parang lahat ng desisyon ko, parang sa akin ang bagsak."

Nainis din siya sa isyu na parang napagbintangan siyang nanggamit?

"Hindi ko na lang inisip kasi alam ko naman ang totoo.

"Sa sarili ko, alam ko naman ang totoo."

Pero paano ba sila nagkakilala ni Kiray?

Kuwento ni Kirst, "Sa indie film po, kinuha ako ng isang director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, five days po ang shoot namin sa Quezon Province. So, sobrang layo yun.

"Actually, yung five days na yun, hindi pa kami naging close talaga.

"After pa, nung pagbalik namin ng Manila, dun medyo nag-start yung closeness namin.

"Pero lumalabas kami as a group."

PURSUING SHOWBIZ. Limang taon nang model si Kirst sa ilalim ng pangangalaga ng Mercator, pero kamakailan lamang niya pinasok ang larangan ng pag-arte. 

Una niyang proyekto ang indie film na pinagsamahan nila ni Kiray, sa direksiyon ni Brilliante Mendoza.

Nakasama rin siya sa cast ng Kapuso teleserye na Mulawin, at ngayon naman ay napapanood siya sa La Luna Sangre ng ABS-CBN.

Aminado si Kirst na isa si Kiray sa nag-push sa kanyang pasukin ang pag-arte.

"Siguro, isa na rin siya sa nag-pursue, parang nag-push sa akin na i-try talaga ang acting, kasi nandoon na rin naman ako.

"Siya rin ang nagtuturo sa akin, nagmu-motivate."

Sa isang banda, marami ang nag-aakalang foreigner si Kirst dahil sa looks niya. Pero Pinoy na Pinoy raw siya.

"Mostly kasi, palagi akong napagkakamalang foreigner.

"Kunwari sa mga work ko, sa commercial, yun palagi ang first impression nila, hindi raw ako pure Pinoy.

"Sinasabi ko, pure ako at dito talaga ako lumaki."

Pero pure Pinoy nga ba siya?

"Well, hindi ko alam. Yung father side ko, parang may ibang lahi yata sila. Sabi nila, Indian daw.

"Yung mommy ko, pure Pinay talaga. Pero ako, mas gusto ko pa rin na pure."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN