Joshua Garcia and Julia Barretto not yet ready to admit real score between them

IMAGE Romy Pena Cruz

Sa kabila ng kanilang sweetness sa isa't-isa at tawagang Bubba, hindi pa rin umaamin sina Joshua Garcia at Julia Barretto kung sila na nga ba sa totoong buhay. Ani Julia, "I think whether we are or we're not yet, I don't see us really telling everyone that anytime soon."


Sa kabila ng sweetness nila sa isa't isa, at sa pagbubuking ng kanilang mga kaibigan at katrabaho, nananatiling tikom ang bibig nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa tunay na estado ng kanilang buhay pag-ibig. 

Nauna nang sinabi ng kanilang Unexpectedly Yours co-star na si Sharon Cuneta na sa palagay niya ay may relasyon na ang dalawang young stars. 


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta reveals status of JoshLia's relationship
Sharon Cuneta reveals status of JoshLia's relationship

Sa November 25 press conference ng kanilang pelikula, sinabi ng Megastar, "Feeling ko, common knowledge naman yung kinukuwento ko. Akala ko common ano na yun.

"Pero alam n'yo naman, di ba? Alam n'yo naman na sila, di ba?

"Dyusko naman, hindi naman makikipag-holding hands itong anak ko sa hindi niya kaanu-ano."

Sa November 28 guesting naman ni Julia at ng kanyang malapit na kaibigang si Erich Gonzales sa Tonight with Boy Abunda, kinumpirma rin ng huli na more than friends ang tambalang JoshLia.

Sa kanilang guest appearance, tinanong ni Boy si Julia kung bakit hindi pa nito sinasagot si Joshua.

Sumagot ang dalaga, "Sino bang may sabi na hindi pa? Bakit may pag-assume kayo agad?"

Ngunit dugtong ng 20-year-old actress, si Joshua na lamang daw ang tanungin tungkol dito.

Ngunit si Erich na ang sumagot para sa kanila. "Pero alam ko na ang sagot ni Joshua... Oo, sila na, ano ba 'yan!"


Stories We Are Tracking

Erich Gonzales confirms Julia-Joshua relationship
Erich Gonzales confirms Julia-Joshua relationship

ARE THEY OR AREN'T THEY? Ngunit dahil sa pakiusap ni Julia, kinuha ng bloggers at press ang pagkakataon upang diretsahang tanungin si Joshua tungkol dito.

Ito ay nang humarap sina Joshua at Julia sa ginanap na thanksgiving digicon ng Unexpectedly Yours kahapon, December 6, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN Building, Quezon City. 

Ito ay dahil sa loob lamang ng anim na araw, umabot na sa PHP100 million ang gross earnings ng reunion movie nina Sharon at Robin Padilla, kung saan tampok din ang tambalang JoshLia.

Una munang hiningan ng reaksiyon si Joshua sa sinabi ni Julia na sinong may sabing hindi pa niya sinasagot ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng 20-year-old actor, "Para sa 'kin, ang reaksiyon ko dun is, para sa 'kin, masaya ako na proud sa 'kin si Julia. Na kaya niyang sabihin, kaya niyang maging honest sa nararamdaman niya."

Sinundan na ito ng diretsong tanong: For the record, are you officially together?

Pinasa naman ito ni Joshua kay Julia. "Dapat siya yung tanungin niyo, e."

Mahabang paliwanag ng dalaga: "You know what, this I believe, ha, personally.

"I think, whether we are or we're not yet, I don't see us really telling everyone that anytime soon. Why?

"Maybe because there's... that time will come, e.

"I believe that time will come, and whatever it is that's going on between the two of us, I think it's nice that we can keep it between the two of us.

"And I'm actually really happy because every time we say these type of stuff, that people actually respect our choice of being private about what we really are.

"Because it will really come. There will come a time when we're ready to share it with everyone.

"But right now, we're just so happy that kahit yun man lang sa amin lang dalawa. It's our own little secret."

Sa hiwalay na interview kay Joshua pagkatapos ng digicon, sinang-ayunan nito ang naunang pahayag ni Julia. 

"Kami naman ay, 'What you see is what you get.'

"Kami naman ay kung ready na kami, sa ngayon kasi, kung kami man o hindi pa, e, dadating naman yung time siguro na ready na kaming i-share sa lahat.

"Hindi naman namin itatago yun, kasi ito namang industry namin, pag nagtago ka dito, wala ka."

NEW PROJECT. Samantala, may aabangan naman ang kanilang fans na bagong proyekto ng young stars sa 2018. 

"Abangan po ninyo yung soap namin ni Julia," pahayag ni Joshua.

"Next year," dagdag ni Julia. "Magte-tape na ako next week."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Joshua naman ay nagbabangko pa ng taping para sa kasalukuyan niyang teleserye na The Good Son. 

Nais din ng tambalan na gumawa ng solo project kasama ang kanilang Unexpectedly Yours director na si Cathy Garcia-Molina. 

"Sana makagawa kami ng solo film. Wait lang, Direk Cathy!" sambit ni Julia, na ang tinutukoy ay ang balitang pagreretiro na ng box-office director. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN