Jon Lucas clarifies FB post not about statement of Franco Hernandez's girlfriend

IMAGE Noel Orsal

Hashtag Jon Lucas explains his status defending Tom Doromal over Franco Hernandez's drowning incident: "Hindi niyo alam kung gaano kamahal [ni Tom] yung tao na iniidolo niyo para pagbintangan niyo na siya yung pumatay."


Nagpaunlak ng eksklusibong panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Hashtags member na si Jon Lucas upang ipaliwanag ang kanyang Facebook post kung saan ipinagtanggol niya ang kasamahang si Tom Doromal.

Ito ay kaugnay ng paninisi ng ilang netizens kay Tom sa pagkalunod at pagkamatay ng kapwa nila Hashtags member na si Franco Hernandez.

Si Tom ang nagyaya kay Franco para magbakasyon sa pag-aaring resort ng kanilang pamilya sa Don Marcelino, Davao Occidental.

Nasawi si Franco pagkatapos malunod noong November 11.

Kasama sa bakasyong iyon ang girlfriend ni Franco na si Janica Nam Floresca.

Noong nakaraang linggo ay lumapit sa PEP.ph si Nam at ang mga magulang ni Franco para sa isang exclusive interview.

Dito inilahad ni Nam ang mga kaganapan kaugnay ng pagkalunod at pag-rescue sa nasawing Hashtags member.

Umani ng magkahalong reaksiyon ang pagsasalita ni Nam.

Marami sa nag-react na netizens ang sinisisi si Tom sa pagkamatay ng kagrupong si Franco.

Ito ang nag-udyok kay Jon upang mag-post ng mensahe sa Facebook noong Linggo, December 3:

"Gustong gusto ko ipagtanggol yung kaibigan ko, gustong gusto ko na maramdaman niya suporta ko sa mga pagkakataong ito!

"Sana andon nalang tayo lahat sa pinangyarihan, para lahat tayo may alam, para kahit mahusgahan niyo siya tatanggapin ko kasi alam natin yung nangyare eh. kaso wala tayo don lahat eh.

"Ang daming istorya eh, biruin niyo ang daming stories, pero di pa natin naririnig lahat lahat! (Both sides) nakakapanghusga na tayo?

"Ang sakit na mawalan ng kaibigan na mabait, tapos ngayon yung kaibigan mong mabait na buhay pa, parang kriminal na tingin niyo sakanya.

"Sana pwede ko kayo kausapin isa isa para malinawan kayo, hindi tungkol sa pangyayare, kundi tungkol sa nakatakdang kamatayan ng isang tao!

"sana lahat aral. sana lahat ng tao naturuan"


Stories We Are Tracking

Hashtag Jon Lucas defends Tom Doromal from bashers
Hashtag Jon Lucas defends Tom Doromal from bashers
Franco's GF reveals untold details about drowning incident
Franco's GF reveals untold details about drowning incident
Hashtag Franco's girlfriend claims delay in rescue efforts
Hashtag Franco's girlfriend claims delay in rescue efforts
Franco Hernandez's parents speak up about drowning incident
Franco Hernandez's parents speak up about drowning incident

DEFENDING TOM. Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph kay Jon sa press conference ng Metro Manila Film Festival 2017 official entry na Haunted Forest, nitong Miyerkules, December 6, ipinaliwanag niya kung bakit siya nag-post ng mensahe sa Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng 22-year-old Star Magic talent, “Yung sa ‘kin naman, kaya lang po ako nag-post…

"Sabi nga nila, ‘Dapat hindi ka na lang nag-post, kasi yung iba mo ngang kagrupo tahimik lang."

May mga nagalit daw sa kanya dahil nag-react siya pagkatapos magsalita ng girlfriend ni Franco.

Pero paglilinaw ni Jon, hindi niya sinasalungat ang mga pahayag ni Nam.

Ipinagtatanggol lamang daw niya si Tom na sinisisi ng ibang netizens sa sinapit ng kanilang kagrupong si Franco.

“Ang akin naman, hindi ko naman talaga sinasalungat yung pinost nun [Nam].

“Pero ang akin naman, wala naman kaming lahat sa pinangyarihan, so ba’t ko rin sasalungatin?

“Ang dahilan ng pag-post ko ay para dun sa mga naninisi kay Tom, para sa mga namba-bash sa kanya, na hinuhusgahan siya.

“Ayun po ang reason kung ba’t po ako nag-post—hindi para sa parents ng kagrupo ko o sa girlfriend ng kagrupo ko.

“Lahat ng post ko, tungkol sa bashers na, sana, huwag tayong manisi dahil wala naman tayong lahat [sa pinangyarihan].

“Yun ang hindi maintindihan ng iba, e. Yun ang gusto kong iparating.

“Akala nila kasi sinasalungat ko yung [statement ni Nam].”  

Tikom pa rin ang bibig ni Tom hinggil sa isyu, kahit ilang beses nang sinubukan ng PEP.ph na kunin ang kanyang panig matapos magbigay ng pahayag ni Nam.

HOW IS TOM? Kinumusta namin kay Jon si Tom sa gitna ng sitwasyong ito.

Tugon ng binata, “Si Tom naman kasi, kilalang-kilala naman natin yun na napakatahimik na tao, chill lang, relax.

“Sabi ko nga, e, parang, ‘Buti natitiis mo pa. Kasi yung mga Instagram post mo, lahat ng comments niyan, puro bash. Nakakapanghina na, nakakagigil, pero ikaw tumatahimik ka lang.’

“Siya, parang nire-relax lang niya ang sarili niya.

“Parang sabi lang niya na, hanggang sa ngayon… sinabi pa niya, ‘Hanggang sa ngayon kasi, pinoprotektahan ko pa rin si Franco.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun talaga niya kamahal ang kaibigan namin, na nagtataka ako na ba’t niyo sinisisi si Tom?

“Hindi niyo alam kung gaano kamahal [ni Tom] yung tao na iniidolo niyo para pagbintangan niyo na siya yung pumatay."

Patuloy niya, “Unang-una, kaya niya isinama sa Davao, kasi gusto niyang mag-enjoy yung tao kasama yung girlfriend niya.

“Tapos, biglang sasabihin ng mga tao, siya yung dahilan kung bakit… siyempre wala namang may gusto nun.

“Siyempre nasasaktan si Tom sa ngayon.

"Alam ko, ramdam ko naman yun, pero nilalabanan na lang niya siguro.”  

Muling iginiit ni Jon na labas siya sa pahayag ni Nam at ng mga magulang ni Franco.

“Sa akin po, wala ako dun, labas po talaga ako sa isyu na yun.

"Kasi, kung yun po ang alam nila, ayun po yun.

“Parang sa akin, labas na, wala nang pakialam.

“Yung post ko lang, yung intensiyon ko lang, para patamaan yung mga bashers na nanghuhusga kay Tom.”

Ano ang naging reaksiyon ni Tom sa naging pahayag ni Nam kamakailan?

Ayon kay Jon, “Kay Tom, about sa statement, hindi ko pa siya nakakausap kung ano ang reaksiyon niya.

"Pero siguro okay lang yun sa kanya, kasi nga andun din naman yung girlfriend.

"So, maaaring lahat ng masabi niya or yung ibang masabi niya, e, nangyari talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN