Jon Lucas assures solid support of Hashtags members for Tom Doromal

IMAGE Noel Orsal / Rated K

Jon Lucas (left) assures that Hashtags members are supportive of Tom Doromal (right). "Lahat naman po, solid naman po. Hindi lang nila ma-express sa social media..."


Tiniyak ni Jon Lucas na buo at solido ang suporta ng Hashtags sa kamiyembro nilang si Tom Doromal sa gitna ng kontrobersiya kaugnay ng pagkamatay ng kasamahan din nilang si Franco Hernandez.

Ang Hashtags ay ang all-male group na regular na napapanood sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Pumanaw si Franco matapos itong malunod nang magbakasyon sa Don Marcelino, Davao Occidental, noong November 11.

Si Tom ang nagyaya kay Franco, kasama ang girlfriend nitong si Janica Nam Floresca, sa pag-aaring resort ng kanilang pamilya sa Davao.

Base sa komento ng ilang netizens pagkatapos lumabas ang eksklusibong panayam ni Nam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Tom ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Franco.

Ngunit sa eksklusibo ring panayam ng PEP.ph kay Jon, tiniyak nitong buo ang suporta ng Hashtags kay Tom.

Aniya, “Opo. Lahat naman po, solid naman po.

"Hindi lang nila ma-express sa social media, pero in person naman, personally, nasasabi po nila."

Noong Linggo, December 3, nag-post si Jon sa Facebook upang ipagtanggol si Tom laban sa netizens na sinisisi ito sa sinapit ni Franco.

“Kahit na ako, isa ako sa mga naglabas ng mga ganun na status, nag-post ako, pag sa dressing room, lahat kami, parang kinu-comfort naman namin si Tom.

“Yung iba siguro ayaw na lang nila magsalita, ayaw na lang nilang lumaki.

“Pag magkakasama naman kami, kahit sa group, lagi naming kinu-comfort si Tom. ‘Nandito lang kami, bro, mahal ka namin.’

"So, dun pa lang, feeling ko solid pa rin talaga kami."

Nakausap ng PEP.ph si Jon sa press conference ng Metro Manila Film Festival 2017 entry na Haunted Forest ng Regal Films, nitong Miyerkules, December 6.

BASHERS. Kinunan din namin ng reaksiyon si Jon sa pamba-bash ng netizens dahil sa pagtatanggol niya kay Tom.

Saad niya, “Siyempre, iniisip ko na lang, iba-iba talaga ang isip ng bawat tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit na anong opinyon mo, kahit alam ng maraming tao na tama ka, meron pa rin ibang mga tao diyan na papalabasin na ikaw ang mali, para iparamdam lang nila sa ‘yo na sila ang tama.

“Sa ‘kin, hindi ko na lang sila pinapansin.

“Basta alam ko na yung punto ko, hindi naman masama.

“Gusto ko lang ipagtanggol ang kaibigan ko para sa mga bashers.”

Kumusta naman si Tom sa gitna ng mga pangyayaring ito?

Ayon kay Jon, “Kinakaya naman ni Tom.

"Kasi pag nakasama ko naman siya, masayahing tao yun, lagi namang nakangiti, laging relax lang."

Kumusta ang kanilang grupo sa kabila ng pinagdadaanan?

“Okay naman po ang Hashtags. Medyo nakaka-recover na sa lahat ng nangyari.

“Magkakasama pa rin naman kami, masaya pa rin ang grupo,” sagot niya.


Stories We Are Tracking

Hashtag Jon Lucas defends Tom Doromal from bashers
Hashtag Jon Lucas defends Tom Doromal from bashers
Jon Lucas clarifies FB post not about Hashtag Franco's GF
Jon Lucas clarifies FB post not about Hashtag Franco's GF


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN