Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters declares admiration for Pia Wurtzbach

IMAGE Ruel Mendoza

Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters is all praises for Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. "I love the fact that Pia worked so hard to be where she was. She never took anything for granted. And I know she wanted this just as much as I did. Pia never stopped putting in effort."


Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Miss Universe ay napagsama sa isang event ang tatlong magkakasunod na Miss Universe winners—sina Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015), Iris Mittenaere (Miss Universe 2016), at Demi-Leigh Nel-Peters (Miss Universe 2017).

Naganap ito sa Dusit Thani Manila Hotel, Makati City, kahapon, Disyembre 6,

Ang dapat na 15-minute press conference para sa Miss Universe winners ay na-extend to 30 minutes.

Paraan daw ito ni Miss Universe Organization President Paula Shugart para mag-apologize sa mga taga-media na naghintay ng mahigit dalawang oras dahil nagkaroon ng kaunting gulo sa itinerary ng beauty queens.

Base sa obserbasyon ng media na dumalo sa presscon, hindi nakapagtatakang manalo si Demi-Leigh bilang Miss Universe 2017 dahil mesmerizing ang ganda nito.

Sa malapitan, hawig niya ang Hollywood actress na si Amanda Seyfried.

Very articulate din si Demi-Leigh at may magandang sagot sa kahit na anong katanungan.

Tinanong ang South African beauty queen tungkol sa paghanga niya kay Pia Wurtzbach noong mag-reign ito bilang Miss Universe 2015.

Ayon kay Demi-Leigh, "I love the fact that Pia worked so hard to be where she was.

"She never took anything for granted. And I know she wanted this just as much as I did.

"Pia never stopped putting in effort.

"Every single day, she would look her best, and that she would be the best version of herself.

"To carry that through for a whole year is really remarkable."

ADVOCACIES. Kabilang sa adbokasiya ng bagong Miss Universe ay maturuan ang maraming kababaihan ng self-defense para maprotektahan ang kanilang sarili mula sa panganib.

Ikinuwento nga ni Demi-Leigh sa video clip niya sa Miss Universe ang tangkang pag-kidnap sa kanya nang ma-carjack ang sasakyan niya sa South Africa.

Isang buwan pagkatapos niyang makoronahan bilang Miss South Africa, na-carjack ang sasakyan niya sa Hyde Park at pinilit siyang ipasok ng carjackers sa loob ng kotse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilakasan daw ni Demi-Leigh ang kanyang loob.

Sinuntok niya sa lalamunan ang isa sa mga lalaki at nakatakas siya para makapagtawag ng tulong.

Lahad pa niya, "In my country, women are being the victims of sexual harassment. 

"They need to learn to protect themselves all the time.

"That's why I taught myself self-defense so that I can share this to women, not just in my country, but with women all over the world."

Isa rin sa advocacies ni Demi-Leigh ay ang pagsugpo sa sakit na HIV/AIDS, na siya ring isinusulong ni Pia.

"In South Africa, most of the population there are infected with this disease.

"We just want to make them to be aware, especially the women, to take care of themselves and know the proper precautions."

Isa ring rason kung bakit gustong manalo ni Demi-Leigh ng Miss Universe title ay para mas ma-empower niya ang maraming kababaihan, lalo na sa kanyang bansa.

"The reason why I wanted Miss Universe is that it is such a powerful platform that's given to you.

"Not only just for the winner, but to all the ladies that were on that stage with me all night,” pagtapos pa ni Miss Universe 2017.

Titira si Demi-Leigh sa isang luxury apartment sa New York, na may kasamang one-year salary, habang tinatapos ang kanyang one-year reign bilang Miss Universe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN