Andrea Torres forgives people who hurt her; plans to travel in 2018

IMAGE Noel Orsal

Andrea Torres on forgiving: "Mabilis akong magpatawad sa mga taong gumawa ng di tama sa akin. Ayoko ng negative vibes. Kapag ramdam ko na nega ang nasa paligid ko, ako na ang kusang aalis at hihiwalay."


Thankful daw si Andrea Torres sa lahat ng mga magagandang nangyari sa kanya ngayong 2017.

Kung may hindi man magandang nangyari ay ipinapasa-Diyos na lang daw niya ito.

Pahayag ng 27-year-old Kapuso actress, "Hindi po ako kasi marunong magkimkim ng galit.

"Mabilis akong magpatawad sa mga taong gumawa ng di tama sa akin.

"Ayoko ng negative vibes. Kapag ramdam ko na nega ang nasa paligid ko, ako na ang kusang aalis at hihiwalay.

"Mas mabuti na yung mag-forgive kesa magtanim ng galit sa iyong kapwa, di ba?

"Mas gusto ni Lord na nagpapatawad tayo, di ba?"

Natatawang sabi pa ni Andrea, "Tsaka ako naman, ayokong may dinadalang mabigat sa dibdib ko.

"Tama na itong mga dibdib ko, di ba?" 

Kahit hindi humingi ng sorry sa kanya, pinapatawad daw niya ang mga taong nakasakit sa kanya.

Saad niya, "Hindi ko naman hinihintay na mag-sorry sila sa akin. Hindi na nila kailangan gawin iyon.

"Kaya anupaman ang naging kasalanan nila sa akin, I’ve already forgiven them."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa press conference ng Metro Manila Film Festival 2017 official entry na Meant To Beh, sa Annabel's Restaurant, noong December 5.

TRAVELS 2018. Samantala, nakatakdang magbiyahe sa iba't ibang bansa sa 2018 si Andrea.

Sa katunayan ay nakahanda na raw ang magiging hashtag niyang #Travels2018.

Lahat daw ng mga kinita ni Andrea mula sa kanyang shows ay inipon niya para maging maayos at maganda ang pagbiyahe niya.

Saad niya, "Four countries ang gusto kong puntahan next year—Australia, Guam, Maldives, at Japan.

"Mahilig kasi ako sa beach kaya destination ko ang Australia, Guam, at Maldives dahil sa magagandang beaches nila.

"Sarap mag-pose doon na naka-bikini at i-post sa social media, di ba?

"Tsaka nasa Guam din yung brother ko kaya bibisitahin ko siya doon."

Patuloy ni Andrea, "Sa Japan naman, naka-schedule ako doon for Halloween.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakikita ko kasi sa post ng ibang friends ko sa Instagram na ang gandang mag-Halloween doon.

"Ang cute ng mga costumes nila. Feel kong sumali sa cosplay at i-post sa IG Stories!” 

Ngayon lang daw naisipan ni Andrea na mag-travel dahil mas naging abala siya sa trabaho.

Na-realize daw ng aktres na kailangan din niyang i-enjoy ang kanyang mga kinita.

Paliwanag ni Andrea, "Mahilig talaga akong mag-save. Di naman kasi ako maluhong tao.

"Kapag may extra blessing tayo, medyo nag-i-splurge ako, pero kasama dun ang pag-treat ko sa family ko.

"Never na sa akin lang. Dapat kasama yung parents ko at mga kapatid.

"Pero next year, gusto ko namang subukan mag-travel nga."

TRAVEL TIPS. Nakakuha raw ng travel tips si Andrea sa kapwa Kapuso artist na si Mikael Daez.

"Lagi ko kasing nakikita mga IG posts ni Mikael Daez na kunsaan-saan siya nakakarating. Nakakainggit kasi.

"Yun pala, kapag may teleserye siya, iniipon lang niya mga talent fees niya at di niya ginagalaw.

"Pang-travel daw niya iyon.

"Kaya ako, hindi ko ginalaw yung mga TFs [talent fees] ko sa Alyas Robin Hood at Bubble Gang.

"Parang nagkaroon ako ng travel fund. Kaya nakaipon tayo nang bongga.

"So, nag-book na ako ng dalawang biyahe ko for next year."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN