Paulo Avelino on having a non-showbiz GF: "May pros and cons, pero para sa akin, mas madali."

IMAGE Melo Balingit

Paulo Avelino admits he still prefers to keep his relationship with Jodie Tarasek low profile. 


Siniguro ni Paulo Avelino na “happy” siya sa relasyon nila ng Filipino-Australian girlfriend niyang si Jodie Elizabeth Tarasek.

Kahit paano ay naisisingit daw nila ang pagkakaroon ng oras sa isa’t isa sa kabila ng pagiging abala sa kani-kanilang trabaho.

Sabi ng Kapamilya actor, “Ayos naman, ayos naman.

"Pero ngayon lang, time of the year na sobrang busy, pero sinusubukan gumawa ng paraan kung kaya.”  

Ayon kay Paulo, wala pa silang planong gawin sa darating na Kapaskuhan dahil posibleng wala sa bansa si Jodie sa panahong iyon.

Maliban dito ay hindi na nagdetalye si Paulo tungkol sa relasyon nila ng nobya.

Natatawang inamin ng aktor na sadyang iwas siyang magsalita kapag ang paksa ay tungkol sa kanyang love life.

Aniya, “Oo nga, e, nahirapan nga ako, e.”

Matalinhagang biro pa niya, “natuto na ulit” siyang itago kung anuman ang nangyayari sa kanyang personal na buhay.

Dugtong ni Paulo, “Wala naman… Ang akin kasi, sobrang busy rin ngayon at... happy ako, happy.”

Kung anu’t ano man, aminado ang 29-year-old actor na mas gusto niyang makipagrelasyon sa isang babaeng hindi taga-showbiz.

"May pros and cons, pero para sa akin, mas madali." 

Maging sa social media accounts ni Paulo ay hindi siya nagbabahagi ng larawan nila ni Jodie.

Base naman sa Instagram account ni Jodie, huli silang nakunang magkasama ni Paulo sa ginanap na Star Magic Ball, sa Makati Shangri-La Hotel, noong September 30.

Gamit ang salitang Polish, sa caption ng larawan ay tinawag ni Jodie si Paulo na "my king."

Si Jodie ay Polish-Filipino.


Stories We Are Tracking

Paulo Avelino goes public with Fil-Aussie girlfriend
Paulo Avelino goes public with Fil-Aussie girlfriend


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN