Kiko Pangilinan posts sweet photo with wife Sharon Cuneta after separation rumor resurfaces

IMAGE Courtesy: @kiko.pangilinan on Instagram

Sa pamamagitan ng larawan, tila pinabulaanan muli ni Senator Kiko Pangilinan ang balitang hiwalay na sila ng misis niyang si Sharon Cuneta. Sweet na sweet ang dalawa sa kanilang photo shoot para sa kanilang Christmas cards and calendar.


Very much together.

Ito marahil ang nais ipaabot na mensahe ni Senator Francis "Kiko" Pangilinan sa ilang mga taong nag-iisip na hiwalay na sila ng asawang si Sharon Cuneta.

Sa larawang ibinahagi ni Senator Pangilinan ngayong Biyernes, December 8, kitang-kita na sweet na sweet pa rin sila ng Megastar habang kandong niya ito.

Sabi ng senador sa kanyang caption sa Instagram: “Clowning around after the annual family photo shoot for our Christmas cards and calendar done yesterday. This photo taken by our 8 yr old son Miguel using an adroid phone. Salamat to Jun (de Leon) for our beautiful family photos!”

Kuha raw ang larawan sa kanilang family photo shoot para sa annual Christmas cards and calendar nila na ipinapamahagi tuwing Pasko.

THE ABANTE STORY. Kahapon, lumabas ang isang artikulo sa Abante Tonite na diumano'y palabas lamang nina Sharon at Senator Pangilinan ang kanilang ka-sweet-an dahil matagal na raw hiwalay ang mag-asawa.

Sa artikulong isinulat ni Boyet Jadulco, may source daw siyang nagsabing pakitang-tao na lamang ang ginagawa ng mag-asawa dahil gusto raw mapangalagaan ni Kiko ang kanyang reputasyon bilang senador at estado ni Sharon bilang tinitingalang artista.

Bahagi ng artikulo: “Binanggit ng impormante na matagal na umanong hindi umuuwi sa bahay ni Sharon sa Ayala Alabang ang senador.

“Mas madalas pa umano sa farm sa Cavite si Kiko at ni minsan ay hindi duma­law doon si Sharon.

"Darating din umano ang araw na magsasalita din si Sharon at aaminin ang tunay na lagay nilang dalawa.”

Pero tumanggi raw ang source niyang sabihin ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Matagal nang usap-usapang hiwalay na diumano sina Sharon at Senator Pangilinan, ngunit hanggang ngayon ay wala pang konkretong ebidensiya na makapagpapatunay rito.

Sa huling panayam kay Sharon, sinabi niyang “existing” pa rin ang marriage nila ng mambabatas.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta on marriage to Kiko Pangilinan:
Sharon Cuneta on marriage to Kiko Pangilinan: "Existing."

Samantala, may post din si KC Concepcion ng larawan nila ng inang si Sharon at ng veteran photographer na si Jun de Leon kaugnay pa rin sa kanilang annual family Christmas photo shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaring ihayag nina Sharon at Senator Pangilinan tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN