Will Vice Ganda still hunt netizen who wished Jon Lucas dead?

IMAGE Noel Orsal

"Nauunawaan naman ng mga tao. Wala akong nabasa na binash ako at hindi nila naunawaan ang damdamin ko noong oras na 'yon," says Vice Ganda about his tweet against a netizen.


Lumipas na raw ang galit ni Vice Ganda sa netizen na hindi rumespeto sa pagkamatay ng Hashtags member na si Franco Hernandez.

Gayunman, naninindigan pa rin siya sa kanyang sagot sa netizen na nagsabing: “Bat si Franco pa yung namatay di nalang si Jon Lucas.”

Ang sagot dito ni Vice: “Sa gitna ng pagluluksa namin ngayon di ko papayagang may lumapastangan sa mga taong malapit sakin. Napakawalang hiya mong hayup ka!”


Stories We Are Tracking

Vice Ganda lashes out at basher wishing Jon Lucas dead
Vice Ganda lashes out at basher wishing Jon Lucas dead

Paliwanag ng It's Showtime host tungkol sa kanyang naging sagot, “At that moment, I was just being myself.

“At that morning, I was mourning, I was weeping, I was devastated because of my good friend's death.

“That was the exact feeling na naramdaman ko.

“Feeling ko nabastos niya yung kaibigan ko, feeling ko OA, feeling ko na-violate niya yung kaibigan ko.

“Right then and there, hindi ako nag-isip, I have to be a friend to my friend.

“Itataas ko 'tong kaibigan ko, kailangan kong ipagtanggol itong kaibigan ko.

“Kasi, lahat tayo ay superhero naman ng mga kaibigan natin, e. Hindi naman tayo kasama lang kapag nagka-clubbing.

“Hindi naman tayo kasama lang kapag nagtu-tong-its.

“Hindi tayo kasama lang kapag naghaharutan.

“Sa mga ganung pagkakataon, gusto kong iparamdam sa kaibigan ko na, teka lang, nandirito ako, hindi ako papayag.”


Stories We Are Tracking

Jon Lucas no ill will against basher who wished him dead
Jon Lucas no ill will against basher who wished him dead

THE RIGHT POSITION. Sa palagay ni Vice, nasa tamang posisyon siya nang mag-post ng ganung mensahe sa Twitter.

Sabi pa niya, “Nauunawaan naman ng mga tao.

"Wala akong nabasa na binash ako at hindi nila naunawaan ang damdamin ko noong oras na 'yon.

“Feeling ko, nasa tamang posisyon ako.

“Puwede naman ang maglabas ng totoong damdamin basta nasa posisyon ka.

“Hindi yung nakapaglabas ka lang, nakapambastos ka lang o nakapambuwisit ka lang o nakapang-away ka lang.”

Dagdag pa ni Vice, “At that point, sabi ko, itu-tweet ko kung ano ang gusto kong i-tweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano ang kahinatnan nito, I will be responsible.

“Kung ma-bash, e, di ma-bash, pero yun ang gusto kong gawin noong panahon na 'yon.

“Ipagtatanggol ko ang kaibigan ko, hindi ako papayag kaya ginawa ko 'yon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at bloggers si Vice sa press conference ng Metro Manila Film Festival 2017 (MMFF) movie niyang Gandarrapido: The Revenger Squad kahapon, December 7.

“NATUTO NA.” Dahil sa pangyayari, sabi ni Vice, marami ang nagbigay sa kanya ng impormasyon tungkol sa netizen.

Natatawang kuwento niya, “Nakuha ko ang full details nung tao.

“Nakakatawa din yung mga tao kasi ginalugad din nila.

“Ginalugad nila ang buong pagkatao ni girl—kung anong pangalan ni girl, kung saan siya nakatira, saan siya nag-aral, ano ang mga ganap niya sa buhay, pati mga kaibigan.”

Pupuntahan pa rin ba niya ang netizen?

“Hindi na kita pupuntahan this month dahil busy ako. Malay mo, madaan ako ng Bataan,” pabirong sabi ni Vice.

Kung sakaling magkita sila nang personal, ano ang sasabihin niya sa netizen?

“Tatampalin ko siya! Charot.

“Hindi, humupa naman na ang galit ko.

“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, pero for sure pagsasabihan ko siya.”

Sa tingin ni Vice ay natuto na ang netizen sa ginawa nito.

“For sure, alam na niya yung naganap.

“Natuto na rin si girl, for sure.

“Kung mayroon pa rin siyang tweets na hindi maganda, sabi ko, front lang ni girl 'yan, yung tapang-tapangan.

“Pero for sure, nangangatog na ang tumbong niyan.

“Nag-private ka na nga ng account, ibig sabihin, takot na takot ka na, hindi mo na kaya. Natuto na 'yan.

“Sana natuto na siya at hindi na niya ulitin ulit,” pagtatapos ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN