Glaiza de Castro on Angelica Panganiban: "Nakapag-move on na siya kay John Lloyd."

IMAGE Angelica Panganiban Instagram

Being a good friend of Angelica Panganiban, Glaiza de Castro is asked about how her friend is taking the John Lloyd Cruz-Ellen Adarna affair. "Basta ang masasabi ko lang na masaya siya," is all the Kapuso actress is saying to silence any more speculation.


Tiniyak ni Glaiza de Castro na nakapag-move on na ang matalik niyang kaibigang si Angelica Panganiban mula sa breakup nito kay John Lloyd Cruz.

Marami kasi ang nagtatanong kung kumusta si Angelica ngayong buntis na ang girlfriend ni John Lloyd na si Ellen Adarna at tila engaged na ang dalawa.

Apat na taong naging magkasintahan sina Angelika at John Lloyd bago sila naghiwalay noong 2015.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Are John Lloyd Cruz and Ellen Adarna engaged?
Are John Lloyd Cruz and Ellen Adarna engaged?

Matagal nang close friends sina Glaiza at Angelica kahit magkaiba sila ng home network.

Si Glaiza, 29, ay mula sa GMA Network; habang si Angelica, 31, ay nasa ABS-CBN.

Kagagaling nga lang ng dalawang aktres sa isang backpacking adventure tour sa Nepal at Bhutan.

Kaya hindi maiwasang matanong si Glaiza tungkol sa kalagayan ng puso ni Angelica, kaugnay sa lantad nang love story nina John Lloyd at Ellen.

Nawindang ba si Angelica kina John Lloyd at Ellen?

“Oo naman,” sagot ni Glaiza.

“Masasabi ko na naging challenge sa kanya na kung anuman ang nangyari…

“I think, hindi na rin naman niya dapat pang pagtuunan din ng pansin kasi desisyon na ng dalawa yun.

“Parang wala na rin siya dun… Nakapag-move on na siya kay John Lloyd.”

Sabi pa ni Glaiza tungkol kay Angelica, “Ay, naku, saya niya, sobrang saya niya. 

“I think nakatulong yung trip namin sa Nepal at sa Bhutan para mas ma-appreciate niya yung mga blessings niya. 

“Siyempre, hindi naman maiiwasan na hindi magkaroon ng problema, ng mga heartbreaks.

“Pero masaya ako unti-unti siyang naghi-heal at unti-unti niyang na-appreciate kung anuman ang meron siya ngayon.”

Nainspire kami agad at naka gawa ng kanta... #WagKangNepal

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa Christmas party for the press ng Kapuso Network, sa studio 7 ng GMA-7 compound, noong Miyerkules, October 6.

ANGELICA'S INSTAGRAM POST. Sa Instagram ni Angelica noong kanyang kaarawan, November 4, isang emotional message ang ibinahagi niya tungkol sa kanyang pinagdaanan.

Natapos ang lahat mag mula nang tinalikuran ko ang sakit. Mag mula nung hinarap ko ang sarili ko. Kinilala at minahal. Ang pinaka magandang regalo pala talaga ng buhay ay ang mahalin ang sarili. At mahalin ang mga taong nagbibigay ng halaga sa ano ka, at paano ka at sino ka. Mas masarap pala ang maging malaya. Mas masarap pala na unahin ang sarili. Pwede palang maging madamot. Pwede palang hindi na abusuhin. Pwede palang tumalikod. Pwede palang mang iwan. Pwede palang tumawa ng wagas. Maging masaya dahil masaya ka lang. Pwede mo palang mahalin naman ang sarili mo. Madami palang pwede. Pero ang importante, pwedeng maging maligaya at hindi na kailangan umasa sa iba. Maraming salamat sa lahat ng nag tyaga sakin ?? salamat sa lahat ng nagparamdam ng pagmamahal sa makubuluhang araw ng buhay ko. Pangakong itutuloy ko ito. Ang mahalin ang sarili ko ??

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Komento ni Glaiza tungkol dito, “Yun din ang sinasabi ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kapag nagmamahal ka, one hundred percent, e. 

“Parang message or realization niya sa sarili nya sa lahat ng mga nangyari.

“Alam mo yun, mahalin mo muna ang sarili mo, pahalagahan mo siya, alagaan mo rin siya.”

Hindi ma-single out ni Glaiza si John Lloyd sa mga importanteng taong minahal ni Angelica.

Dahil lahat daw ng nakarelasyon ng kaibigan ay naging mahalaga rito.

Patuloy pa ni Glaiza, “Lahat naman ng pumasok sa buhay niya, minahal niya nang buung-buo.

“Parang yun, ganun ko siya nakilala bilang tao.”

Komento pa ni Glaiza na walang tinutukoy na pangalan o anumang bagay, “Good thing na nawala siya.”

Matagal ding naging boyfriend ni Angelica si Derek Ramsay.

Mahirap bang maging girlfriend si Angelica?

Dito ay umalma na si Glaiza.

Aniya, “Bakit ako ang tinatanong niyo sa kanya?

“Parang ako ang nagiging spokesperson niya. 

“Sorry, ayaw ko ring magbigay ng kahit na anong information sa kahit na anong pinagdadaanan niya.

“Basta ang masasabi ko lang na masaya siya.”

Pero anong suporta ang ibinibigay niya sa kaibigan?

“I’m always here to listen, to accompany her. Minsan pag tatawag 'yan, very random.

“Pag wala naman akong ginagawa, pupuntahan ko siya, magkikita kami,” sabi ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN