Maris Racal describes relationship with Inigo Pascual: "Unofficially yours... basta."

IMAGE Noel Orsal

Is Maris Racal admitting she and Inigo Pascual are more than friends? She claims, "Exclusively lang kami na… ayaw ko lang mag-entertain ng ibang tao. Ayaw rin nyang mag-entertain ng iba." Is that a hint or is that a hint?


Matapos sabihin ni Maris Racal na “inspired” siya sa kanilang closeness ngayon ni Inigo Pascual, nilinaw niya kung ano talaga ang gusto niyang sabihin.

Pahayag ng 20-year-old actress-singer, “I mean… you wake up every day with a smile, ganun, parang masaya ka lang sa life.

“Honestly, mahirap yung ganitong sitwasyon, kasi with this kind of work, medyo iba kami ng life.

“More on music siya, ako more on acting.

“So, nahihirapan din kami magbigay ng time sa isa’t isa...

“Paano ba siya ipu-put into words? 

“Basta, mini-maintain lang namin yung friendship namin.

“Yung communication namin and yung trust namin sa isa’t isa.”

Kung inspired siya, may kilig ba sa kanya kapag nababanggit ang pangalan ni Inigo?

Nakangiting sagot ni Maris, “Siyempre, may kilig naman po.”

Meron na ba silang mutual understanding? 

“Yes, I think,” mabilis na tugon ng Star Magic artist.

Pero hindi pa raw official ang kanilang relasyon.

“Not yet po, parang unofficially yours... basta.”

Hindi siya niligawan ni Inigo?

“May ligawan, of course, but hindi… wala, wala.

“Ewan ko sa kanya, tanungin ninyo na lang sIya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maris matapos ang presscon proper ng Metro Manila Film Festival 2017 entry ng Regal Entertainment, Inc., ang Haunted Forest, noong Miyerkules, December 6.

Kabilang si Maris sa lead cast ng nag-iisang horror-movie sa MMFF 2017, na kinabibilangan din nina Jane Oineza at ng Hashtags members na sina Jon Lucas at Jameson Blake.

MUTUAL UNDERSTANDING. Kailan nagsimula ang mutual understanding nila ni Inigo? 

“Sometime September po… nagkakausap lang po kami,” tugon ni Maris.

Giit pa ng dalaga, “Exclusively lang kami na… ayaw ko lang mag-entertain ng ibang tao.

“Ayaw rin niyang mag-entertain ng iba.

“But we’re taking things slow before mag-jump sa commitment.”

Malaki rin daw impluwensiya ni Inigo sa pananaw ni Maris sa maraming bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Honestly, mas naging positive po ako. Ganun po talaga yung ugali niya, e. 

“Yun yung effect niya sa akin, marami kasi siyang itinuturo sa akin.

“Like, sa problems, ‘Ganito mo siya tingnan, focus ka dito, challenge yourself…’”

High school pa raw si Maris nang huli siyang magkaroon ng boyfriend.

Pero ngayon, hindi pa masabi ni Maris kung kailan sila magiging official ni Inigo.

Nagsimula raw ang pagiging malapit nina Maris at Inigo sa digital concert ng singer-recording artist noong July.

Patuloy pa ni Maris, “Nag-guest po ako and biglang nagkaroon ng maraming good reviews po.

“So, pinag-guest ako sa concert niya, pinag-guest siya sa concert ko. 

“Bale more on music kaming dalawa.”

PARENTAL GUIDANCE. Wala raw nakikitang problema si Maris sa kanyang parents kung may mutual understanding man sila ng anak ni Piolo Pascual.

Pahayag pa ni Maris, “If they don’t like the person, siyempre magwa-warn sila. 

“But they do love Inigo, nakakatuwa na ganun.

“Sa anumang ginagawa ko sa ngayon, especially na I’m 20, hinahayaan po nila ako na maging ako.”

Sa kabilang banda, nasabi ni Piolo sa isang interview na pauunahin muna niyang magkaroon ng girlfriend si Inigo bago siya maghanap ng love life.

Dapat nga bang maging official muna ang relasyon nina Maris at Inigo bago ang love life ng ama ng binata?

Nakangiting sagot ni Maris, “Wala po sa say ko 'yan, depende kasi 'yan sa lalaki, e.”

Magaganda naman ang pahayag ni Piolo tungkol kay Maris.

Reaksiyon dito ng dalaga, “Nakakatuwa po, sobra, kasi sobrang bait niyang tao talaga.

“Every time na nagkakasalubong kami sa ASAP or somewhere, nahihiya talaga ako.”

Binibiro nga raw siya ni Piolo kapag nagkakasama o nagkikita sila nito.

“Nang-aasar po siya, yung typical Piolo na bully.”

FRIENDS WITH DIEGO. Nilinaw naman ni Maris na kailanman ay hindi naging sila ni Diego Loyzaga, na minsan ding na-link sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “No po, binibigyan lang ng malice ng ibang tao na something more than that, pero we’re just friends.”

Naiinis ba si Inigo kapag may showbiz items na patuloy pa ring nagli-link sa kanila ni Diego?

Ayon kay Maris, “No naman po, natatawa na lang kami… wala naman talaga kami.

“Na-answer na po namin ito before sa Boy Abunda. 

“Kami ni Diego, friends lang talaga kami, wala namang something wrong sa friendship namin.

“Basta okey kaming lahat... yung sinasabi, eww-factor, hindi naman eww na nandidiri ako.

“Kasi ang tingin ko talaga sa kanya, best friend, binabatukan niya ako.

“Ganun yung friendship namin, tropa kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN