Comedian Atak admits suspension from shows amid acts of lasciviousness case

IMAGE Noel Orsal

Atak's legal counsel on the comedian's damaged reputation: "You know celebrities, ang pinakamalaking kayamanan ng mga 'yan is their reputation. They earn money because of their reputation. So, they would not have any project if you damage their reputation, if their reputation is besmirched. So, sa amin, malaki yung naging damage. This is not a simple offense. Acts of lasciviousness is a sexual offense na kahiya-hiya para sa kanya. At mas masakit yun dahil hindi naman nangyari."


Aminado ang komedyanteng si Ronie “Atak” Araña na apektado ang kanyang kabuhayan dahil sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ng isang hotel-casino employee.

Akusasyon ng bell attendant na si Mark Christian Macavinta, 21, niyakap, hinalikan, at hinipuan diumano siya ni Atak nang makapasok sila sa complimentary room ng Okada Manila kung saan mag-i-stay ang komedyante.


Stories We Are Tracking

Comedian Atak arrested for allegedly kissing, groping hotel-casino employee
Comedian Atak arrested for allegedly kissing, groping hotel-casino employee
Hotel-casino employee stands by allegation against Atak
Hotel-casino employee stands by allegation against Atak

Dahil daw sa kinasasangkutang isyu, natigil muna lahat ng TV and movie projects ni Atak.

Bago ang kanyang “suspension,” napapanood ang komedyante sa Kapuso programs kagaya ng Sunday PinaSaya at Dear Uge.

Pahayag ni Atak, “Hindi natuloy yung shooting ko.

"At saka yung TV shows ko ngayon, tigil lahat—Sunday PinaSaya, Dear Uge, yung All-Star Videoke.

“Actually, naka-line up na lahat yung mga gagawin ko, October and November.

"Wala [na] lahat yun, biruin mo."

Ngunit ayon sa komedyante, hindi siya tinanggal sa mga programang kinabibilangan niya sa GMA Network. Na-hold lang daw ang kanyang projects dahil sa kasong kinahaharap.

“So, hindi ko alam kung hanggang kailan ang suspension.

“Hindi naman daw ako tinanggal, e.”

Sinegundahan ng legal counsel ni Atak na si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque ang pahayag ng kanyang kliyente.

Ayon kay Atty. Abraham-Garduque, “Of course, he’s a public figure, he’s a celebrity.

"So, sa mata ng public, malaking damage yun sa kanya.

“You know celebrities, ang pinakamalaking kayamanan ng mga ‘yan is their reputation.

“They earn money because of their reputation.

"So, they would not have any project if you damage their reputation, if their reputation is besmirched.

"So, sa amin, malaki yung naging damage.

“This is not a simple offense. Acts of lasciviousness is a sexual offense na kahiya-hiya para sa kanya.

“At mas masakit yun dahil hindi naman nangyari.”

Eksklusibong nakapayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atak at ang kanyang abugado sa arraignment ng kaso niya sa Branch 78 ng Parañaque Metropolitan Trial Court, nitong Biyernes, December 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE COUNTER-AFFIDAVIT. Nagsumite ng counter-affidavit ang kampo ni Atak bilang tugon sa kasong isinampa sa kanya ng complainant.

Naghain ng “not guilty” plea ang komedyante.

Ayon kay Atty. Abraham-Garduque, hindi kumpleto ang mga elemento ng complainant para maikunsidera umanong acts of lasciviousness ang kasong isinampa laban sa kanyang kliyente.

“Nakalagay dun na hindi naman kumpleto ang elements ng acts of lasciviousness.

"Kasi, supposedly, kung pagbabasehan mo lang itong sinumpaang salaysay ng complainant, hindi pa nga yung depensa niya, e.

“The burden to prove na ang krimen ay talagang nagawa ay nasa private complainant.

“Ang acts of lasciviousness kasi, meron 'yang mga element na dapat na-comply ng complainant para masabi na nangyari ang krimen, o may probability man lang na nangyari ang krimen.”

Tinukoy ng legal counsel ni Atak ang ilang senaryo na maikukunsiderang elements para sa acts of lasciviousness complaint.

“Ang isa sa mga element ay dapat yung acts of lasciviousness ay may attending circumstances, katulad ng force and intimidation, o kaya unconscious yung tao o merong mga fraudulent machination na ginawa bago o during acts of lasciviousness dun sa complaint affidavit ng complainant.

“Walang ganun.

“Wala siyang [Macavinta] allegation na puwersahang nangyari, merong intimidation na ginawa si Ronie sa kanya.

“So, para sa amin, dapat yung complainant ay unconscious kasi or hindi lang nalagay dun na hinawakan siya, o hinalikan siya, o hinipuan siya.

“Dapat, addition to that, meron kasama na hinipuan siya na may puwersa o may intimidation, o kaya unconscious siya na ginawa yun.”

Wala raw ganitong paliwanag na nakalagay sa complaint affidavit ni Macavinta.

“So, para sa amin, dapat sa simula pa lang, na-dismiss na yung kaso dahil hindi yun kumpleto.

"At pag hindi yun kumpleto, walang krimen ang acts of lasciviousness na nangyari."

REFUTING THE ACCUSATION. Sari-saring espekulasyon ang nabuo dahil sa kasong kinasasangkutan ni Atak, kabilang na rito na baka nakikipagbiruan umano siya sa hotel employee at na-misinterpret ito ng huli.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtanggi ni Atak, "Walang biruan."

Si Macavinta raw ang naghatid kay Atak sa kanyang complimentary room sa seventh floor ng Okada Manila.

Lahad ng komedyante, “Unang-una, hindi ko siya kilala, e.

"Dinenay niya doon na hindi daw ako na-recognize, hindi daw ako kilala.

“Pero pagkuha niya ng bag ko, ‘idol’ ang sabi at kababayan niya daw ako, kasi Ilonggo daw ang parents niya.

“Tapos, sabi ko, ‘Paano mo nasabi na hindi mo 'ko kilala?’

"Tapos, sinasabihan pa niya [ako] ng 'shut up,' nag-dirty word siya dun sa may pulis na kumukuha ng statement, sa imbestigador.

“So, walang biruan na naganap.

"Kasi, pagpasok pa lang sa kuwarto, dire-diretso na agad sa bintana sa mga curtain, ‘Wow, ang ganda ng room mo!’

"Hindi niya nabuhat ang mga maleta. Ako pa ang nagbuhat doon sa may lagayan."

Sinabi rin ni Atty. Abraham-Garduque na humihiling sila sa hotel establishment na masilip ang mga kuha ng CCTV.

“Isa yun sa mga ire-request namin, CCTV footages sa Okada, from the lobby up to the hallway papuntang kuwarto niya.

"So, para lang makita natin what are demeanors of the parties during that time.

“Tapos, we also have exchange of messages between the accused and the private conversation.

"So, hindi namin sasabihin kung ano ang nakalagay dun, pero ilan yun sa mga evidences."

Tinanong ng PEP.ph ang kampo ni Atak kung ano ang posibleng motibo ng complainant sa akusasyon nito laban sa komedyante.

Ngunit ayon kay Atty. Abraham-Garduque, ayaw nilang gumawa ng mga espekulasyon.

“Ang sa amin lang, mapatunayan na wala talagang kasalanan si Ronie.

“Napaka-unnatural na nangyari.

“Dun pa lang sa alegasyon ng complainant, napaka-unnatural yung mga ganung actuations.

"There’s an impossibility na nangyari yung krimen."

GETTING THE OTHER SIDE. Sa panayam ng PEP.ph kay Macavinta noong Oktubre, mariin niyang itinanggi na nagsisinungaling siya at pineperahan lamang niya si Atak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Macavinta, gusto lamang niyang maturuan ng leksiyon ang komedyante.

“[I]'m not after his money, all i want is to teach him a lesson.

“Let him suffer for what he did. DO WHAT IS RIGHT, AND CORRECT WHAT IS WRONG."

Sa arraignment ng kasong isinampa niya laban kay Atak nitong Biyernes, December 8, nilapitan ng PEP.ph ang kampo ni Macavinta para humingi ng pahayag.

Subalit sinabi nilang sa ngayon ay hindi muna sila magbibigay ng pahayag.

Ilalathala agad ng PEP.ph ang panig ni Macavinta hinggil sa isyu sa oras na makuha namin ito.


Stories We Are Tracking

Atak breaks silence on acts of lasciviousness case
Atak breaks silence on acts of lasciviousness case


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN