Atak Araña breaks silence on acts of lasciviousness case against him: "Malinis ang konsensiya ko."

IMAGE Rachelle Siazon

Atak Araña on being arrested for alleged acts of lasciviousness filed by complainant Mark Christian Macavinta: "Kasi hindi ko talaga alam ang batas na procedure, e, na pag walang warrant, hindi ka dapat puwedeng sumama. Ako naman, napahiya na ako kasi ang daming taong nakatingin… parang na-harass talaga ako."


Pormal nang naghain ng not guilty plea ang komedyanteng si Ronnie “Atak” Araña sa Parañaque Metropolitan Trial Court kahapon, December 8.

Ito ay kaugnay ng isinampang kasong acts of lasciviousness ng complainant na si Mark Christian Macavinta.

Si Mark ang bell boy assistant ng Okada Manila hotel and casino na inireklamo ang diumano’y pagyakap, paghalik, at panghihipo ni Atak sa private part ng complainant noong hapon ng October 22, 2017

Mariing itinanggi ni Atak, 45, ang kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ni Mark, 21.

Pahayag ng komedyante, “Hindi ko po ginawa sa kanya yun dahil alam kong mali yun.

"Malinis ang konsensiya ko, e. Hindi naman tulog ang Diyos at alam ko na the truth shall prevail.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atak pagkatapos ng kanyang arraignment sa Branch 78 ng Parañaque Metropolitan Trial Court.

Kasama niyang humarap sa korte ang kanyang legal counsel na si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque.


ARRIVAL AT THE HOTEL. Sa kauna-unahang pagkakataon, inilahad ni Atak ang panig niya sa pangyayari, mula nang dumating siya sa hotel hanggang sa kanyang hotel room kung saan sinasabing naganap ang insidente. 

Ayon kay Atak, unang kita pa lang sa kanya ni Mark ay nakilala na siya nito at boluntaryo umanong inasikaso siya.

Lahad niya, “Pagpasok ko pa lang sa hotel lobby, may gustong tatlong mag-assist sa akin, nakilala nila ako.

“And then, dumating itong pang-apat, ito na yung nagreklamo.

“Tapos, siya yung nag-o-offer. Sabi sa akin, ‘Ay, si Idol! Ako na ang bahala kay Idol kasi kababayan ko ‘to.’

"So grinab ko na siya na lang mag-assist sa akin."

Naghintay pa umano si Atak ng 10 hanggang 15 minuto dahil sinabihan siyang inihahanda pa ang kanyang complimentary hotel room.

“So, what I did, sabi ko, ‘Paano yung gamit ko?’ Ilalagay daw nila sa lagayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inantay ko pa nga sa Mark na ‘yan yung claiming stub.

“And, at the same time, kinuha ko yung number niya bago siya umalis para may communication kami na kung okay na yung room ko, i-inform niya ba ako.

“Actually, ang dapat mag-inform sa akin kung may room na ba ako ay yung front desk, e.

“So, ibinigay yung number nga. So, ni-miss call ko siya agad para i-inform niya ako.

"Sabi niya, ‘Copy, Sir.’"

Nakapaglaro pa raw si Atak sa casino ng mga 10 minuto bago siya nakatanggap ng text message mula kay Mark na nagsasabing handa na ang kanyang hotel room.

Ngunit pagpunta raw ni Atak sa front desk ay hindi niya agad nakita si Mark.

Patuloy ng komedyante, “Paano niya nalaman yung [hotel room] 725, e, wala siya dun sa front desk?

“Kasi nung lumabas ako agad, wala siya, e. Inantay ko pa siya ng two to three minutes.

“Tinawagan ko siya, nag-ring ang phone niya, sinagot niya pero wala siyang boses—nakikita ko ang oras, gumagalaw.

“Sabi ng girl, ‘Sandali lang, parating na siya.’

“So, yun, pagdating niya, nagmamadali siya.

"Siya pa nga kumuha ng camera na nagpa-picture sa akin.

“After niya piniktyuran niya ako, nakita ko yung body bag ko, nakatiwalwal yung isang strap. So, feeling ko, there's something in there na nangyari sa loob…

“So, nung sinamahan niya ako sa hallway hanggang sa elevator paakyat, yun na yun.”

THE ALLEGED INCIDENT. Ayon kay Atak, pagpasok ng kanyang hotel room ay ni hindi raw siya naalalayan ni Mark sa pagbuhat ng kanyang bag.

Dumiretso raw si Mark sa lugar ng bintana at nagsabing maganda ang ibinigay na complimentary room sa komedyante.

Bago tuluyang lumabas ng kuwarto, nakapagpapirma pa raw ng luggage tag receipt si Mark kay Atak.

Taliwas ito sa naiulat na police report kung saan inihatid ng complainant si Atak sa complimentary room ng komedyante dakong 2:40 ng hapon, Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpasok sa kuwarto, niyakap, hinalikan, at hinipuan diumano ng komedyante ang bell assistant.

Naitulak pa raw ng complainant si Atak, nakalabas ng kuwarto, at nagsumbong sa security personnel.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ng comedian-TV host.

Ayon sa legal counsel ni Atak na si Atty. Abraham-Garduque: “Nagulat si Atak dun.

“Even the allegation ng complainant, if mababasa niyo yung sinumpaang salaysay niya, sinabi pa niya bago siya umalis, nakapagpapirma pa siya ng luggage tag.

“So, para sa amin, kung talagang may krimen na nagawa, kung halimbawa nahawakan yung private part niya...”

Singit ni Atak hinggil sa reklamo ni Mark laban sa kanya, “At hindi lang nahawakan ang sabi Attorney, ha? Ang sabi niya, pinisil o piniga ko yung bayag niya.”

Patuloy ng abugada, “Ang sa amin, kung may ganun talagang nangyari, napaka-unusual naman na makakapagpapirma ka pa ng luggage tag. 

“Dapat yun siguro, baka nasaktan pa niya si Ronnie kung talagang may ganung pangyayari o kaya tumakbo siya.

“Hindi ka na makakaisip na magpapirma pa ng luggage tag.”

Ayon kay Atak, bago lumabas si Mark ng kanyang hotel room ay nagbilin pa raw siya sa bellboy assistant.

“At the same time, gusto ko nang magpahinga dapat.

"Nung sinabi ko na, 'mamaya na yung tip pagbaba ko,' dun na yung tumaas ang boses at umalis na siya."

NO WARRANT OF ARREST. Ayon kay Atak, matapos siyang maihatid ni Mark sa kanyang hotel room ay nagtungo ulit ang komedyante sa area ng casino upang maglaro.

Doon umano naganap ang diumano’y pang-eeskandalo sa komedyante ng security personnel ng hotel.

Bandang 3:30 to 4:00 P.M. daw siya nilapitan ng security personnel ng hotel.

“Pagbaba ko, hinanap ko siya. Wala siya kaya naglaro ako.

“So, paglaro ko, siguro mga 20 minutes ako nakaupo, nandun na, may pulis na, may guard na, may security guard na ang lalaki, mga marshals nila, dumating na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang mga sandaling iyon ay hindi raw kasamang humarap kay Atak ang complainant na si Mark.

Wala rin daw karampatang warrant of arrest o kahit formal complaint letter man lang na ipinakita sa komedyante.

Lahad ni Atak tungkol sa pakikipag-usap niya sa security personnel ng hotel: 

“Sabi ko, ‘Sir, hindi puwede ito.’

“Kasi hindi ko talaga alam ang batas na procedure, e, na pag walang warrant, hindi ka dapat puwedeng sumama.

“Ako naman, napahiya na ako, kasi ang daming taong nakatingin… parang na-harass talaga ako.

“So, dun na lang daw sa office nila. So, dun sa office nila, wala naman si Mark dun.

“Sabi ko, ‘Saan na si Mark?’ Sabi nila, ‘Tumakbo sa pulis humahagulgol dahil sa ginawa mo.’”

Ikinagulat daw ni Atak ang sinasabing reklamo ng bellboy assistant laban sa kanya. 

“Ayun na. Sabi ko, ‘Ang ginawa niyo sa aking ito, mali ito, ha?’

“Tapos kinukuha nila ang card ko sa akin.

"Sabi ko, ‘Bakit niyo kinukuha ang card ko? Private property ko yun.’"

ALLEGED "SET-UP." Sinabi pa raw ni Atak sa tanggapan ng hotel na tila may kaugnayan ang akusasyon sa kanya ni Mark sa diumano’y hiwalay na insidente kung saan nais sana niyang ireklamo ang hotel.

Paliwanag daw ni Atak hinggil sa kanyang hotel card, “'Binigay yun ng Okada kasi meron akong reklamo sa inyo na dapat ipa-media ko dahil sa mga pangyayari sa mga machines niyo.

“'Kaya siguro binibigyan niyo ako ng ganitong treatment dito para hindi ako mag-complain.

“Pero ngayon, na-set up niyo na ako.’ 

“Tapos, ginawa ko yun.”

Maliban sa nabanggit ay hindi na nagdetalye pa si Atak tungkol sa diumano'y "set-up" sa kanya.

Hindi nagtagal ay dinala na raw si Atak sa kalapit na presinto kung saan sumailalim siya sa “inquest” ng pulisya.

Patuloy ng komedyante, “Paglabas ko, sa van, nandun na si Mark may kasama nang pulis. Papunta na kami, dadalhin nila ako sa police station.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinitingnan ko yung mata, kung humahagulgol, dapat teary-eyed yun, nagpupula o nagluluha yun, di ba?

“Wala.”

Dismayado ang kampo ni Atak dahil sa biglaang pag-aresto sa kanya nang walang nangyaring "preliminary investigation."

Pahayag ni Atty. Abraham-Garduque, "Ang nangyari is basta na lang siya inaresto, dinala sa pulisya at nagkaroon ng inquest proceedings.

"So, hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na makasagot.

"Nag-resolve na lang on the basis of mga alegasyon ng complainant."

Noon ding araw ng insidente, Linggo, October 22, ay nakulong si Atak dahil sa isinampang acts of lasciviousness complaint ni Mark laban sa kanya.

Gabi ng October 25, Miyerkules, nang makapagpiyansa si Atak sa halagang P12,000.

Kuwento ng komedyante, "Bawal ang cellphone doon. Hindi ako maka-text sa manager ko, hindi ako maka-text sa mga friends ko.

"Kasi nasa akin ang ATM ko na puwedeng mag-withdraw ng pera. Wala kang mautusan." 

TOUGH LESSON. Sa huli, sinabi ni Atak na umaasa siyang maresolba agad ang kanyang kaso.

"Itong mga pagsubok na nangyari sa akin po ay alam ko naman talaga na after nito ay talagang makikita ko na, kahit nadapa ako ngayon, babangon talaga ako kasi kailangan kong bumangon para sa mga pamilya ko.

"At saka ang message ko lang, kailangan ko talagang patunayan at gagawin ang karapatan ko kasi hindi lang ako ang maging biktima dito, maaari ding mangyari sa iba...

"Pero dapat hindi mangyari sa iba, kasi ang nangyari sa akin ngayon, leksyon ito sa iba kasi naranasan ko, e.

"So, yun lang ho, sana maayos ito at matapos na."

Hindi sabay na humarap sa Branch 78 ng Parañaque MTC sina Atak at Mark.

Pagkaalis ni Atak ay tiyempong naabutan ng PEP.ph si Mark at legal counsel nitong si Atty. Maria Cecilia Fuentes ng Okada Manila. 

Sinubukan ng PEP.ph na hingan sila ng opisyal na pahayag tungkol sa kaso, ngunit parehong tumanggi si Mark at ang kanyang abugada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga nabanggit sa artikulong ito.


Stories We Are Tracking

Hotel-casino employee stands by allegation against Atak
Hotel-casino employee stands by allegation against Atak
Comedian Atak arrested for allegedly kissing, groping hotel-casino employee
Comedian Atak arrested for allegedly kissing, groping hotel-casino employee


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN