Miss Universe 2016 Iris Mittenaere excited to be back in the Philippines

IMAGE Courtesy: missuniverse.com

Miss Universe 2016 Iris Mittenaere waxes nostalgic about her return to the Philippines: "My life changed when I was crowned here in the Philippines. I feel like this is my second home. That's why I was so excited to be back here because it was like coming back home to where everything changed for me."


Kung may gusto raw balikan sa Pilipinas si Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France, ito ay ang matatamis nating mga mangga.

Kaya naman na-excite ito nang nakasama siya sa pagbalik sa Pilipinas kasama ang ilang Miss Universe 2017 candidates at ang winner na si Demi-Leigh Nel-Peters.

Nilibot nila ang iba't ibang sikat na tourist spots sa Pilipinas na isa sa proyekto ng Department of Tourism na Bring Home A Friend.

Itinuturing ni Iris na second home ang Pilipinas dahil sa nangyaring pagbabago sa buhay niya noong nakoronohan siyang Miss Universe noong January 2017.

"My life changed when I was crowned here in the Philippines.

"I feel like this is my second home.

“I met new friends, visited exciting places and the Filipinos are so warm and friendly wherever we go.

"That's why I was so excited to be back here because it was like coming back home to where everything changed for me.

"I also was able to bring back to France the Miss Universe crown after such a long time," pahayag pa ni Iris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naganap na press conference nila sa Dusit Thani Manila hotel sa Makati City noong nakaraang December 6.

LIFE-CHANGING. Ayon pa kay Iris, para raw siyang isinilang muli noong kinoronahan na siya ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Lahad niya, "I was like born again when Pia put the crown on my head.

"I had a wonderful crowning moment here.

“It was crazy but it really changed my life."

Si Iris nga ang may shortest reign bilang Miss Universe.

Kinoronahan siya noong January 2017 at ipinasa niya ang korona sa bagong Miss Universe 2017 na si Demi-Leigh Nel-Peters of South Africa noong nakaraang November 26 (November 27, Manila time).

SHORT BUT FRUITFUL TENURE. Bagama't 11 months lang ang kanyang naging tenure bilang 2016 Miss Universe, nagawa naman niya ang mga trabaho niya at patuloy ang kanyang advocacy sa pagtulong at pag-promote ng Smile Train.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang nag-aaral si Iris para maging licensed dental surgeon sa Lille 2 University of Health and Law sa France.

Pero sa pagiging ordinaryong dentista niya, marami na raw siyang natulungan na bata sa pag-gamot at pag-ayos ng ngipin nila.

"I don’t have to be Miss Universe to make a difference.

“As Iris, I can make a difference," diin niya.

MIKIMOTO CROWN. Nag-viral naman ang isang video post ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach habang nagta-tug of war sila ni Iris para sa Mikimoto crown na pag-aari ngayon ni Demi-Leigh.

Mikimoto is ?? @demileighnp @irismittenaeremf ???????? @missuniverse

A post shared by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

Nagkakahalaga ang naturang korona ng $250,000 at gawa ito sa 100 Japanese pearls. Ito ay dinisenyo ng Mikimoto & Co. Ltd.

Nasuot ito ng Miss Universe winners mula 2002 hanggang 2007.

Unang nagsuot nito ay si Oxana Fedorova of Russia noong 2002.

Noong ma-dethrone ito, ipinasa ang korona sa first runner-up na si Justine Pasek ng Panama.

Ang mga sumunod na Miss Universe winners na nakapagsuot ng Mikimoto crown ay sina Amelia Vega of Dominican Republic (2003); Jennifer Hawkins of Australia (2004); Natalie Glebova of Canada (2005); Zuleyka Rivera of Puerto Rico (2006) at Riyo Mori of Japan (2007).

Nakunan naman si Pia Wurtzbach na suot ang Mikimoto crown sa isang photoshoot niya.

Nasuot din ni Iris ang naturang korona bilang kapalit ng DIC crown na pinalitan na.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN