Jennylyn Mercado still misses departed adoptive parents during Christmas time

IMAGE Noel Orsal

Jennylyn Mercado still misses her departed adoptive parents, Roger and Mommy Lydia Mercado, during the holiday season: "Second Christmas na wala si Mama at siyam na Pasko naman na wala na si Daddy. Pinagdarasal ko silang pareho araw-araw."


Tuwing sasapit ang Pasko, hindi maiwasan na makaramdam ng lungkot ang Ultimate Star at bida ng MMMFF 2017 official entry na All Of You na si Jennylyn Mercado.

Hindi raw mapigilan na maiyak si Jen tuwing naaalala niya ang mga taong kinalakhan niya bilang mga tunay na magulang na sina Roger at Lydia Mercado.

Kapwa namaalam na ang mga adoptive parents ni Jen kaya may dahilan daw siyang malungkot tuwing sasapit ang Pasko.

"Siyempre, sa mga ganitong okasyon mo maaalala ang mga taong nawala sa buhay mo na pinakamamahal mo, di ba?

"Noong mawala si Daddy noong 2008, ang sakit no’n.

“Kasi buntis pa ako noong mga panahon na iyon kay Jazz.

"Pero noong mawala na si Mama last year, yun ang pinakamasakit sa lahat kasi parang nawalan ako ng sandalan.

“Nawalan ako ng kakampi.

"Si Mama kasi ang naging hingahan ko ng mga problema ko.

"Siya ang laging kasama ko at siya ang number one supporter ko sa lahat.

"Tsaka sobra siyang mahal ni Jazz.

“Lumaki na si Jazz sa lola niya, kaya sobra akong na-depress noong mawala si Mama.

"Kaya heto, second Christmas na wala si Mama at siyam na Pasko naman na wala na si Daddy.

"Pinagdarasal ko silang pareho araw-araw.

"Lagi kong hiling na gabayan nila kami ni Jazz sa lahat ng mga ginagawa namin.

"Naniniwala naman ako na nandiyan lang sila Daddy at Mama.

“Hindi nila kami pinababayaan,” maluha-luha pang kuwento ni Jen sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa press conference ng Metro Manila Film Festival 2017 official entry na All Of You noong nakaraang December 1.

CHRISTMAS PLANS. Ngayong Pasko naman, may magpapaligaya kay Jen at ito ay ang boyfriend niyang si Dennis Trillo.

Sa bahay daw ni Jem magno-Noche Buena si Dennis kasama ang pamilya niya.

The next day, Christmas Day, sa bahay naman ni Dennis magla-lunch si Jen kasama si Jazz at ang biological father niya na si Noli Pineda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masarap na may mga extended family ka, di ba?

"Happy naman ako na nandito na ang tatay ko at kasama na namin sa bahay.

“The more the merrier, di ba?” ngiti pa ni Jen.

THANKFUL FOR BLESSINGS. Samantala, magiging busy naman si Jen sa promotion ng All Of You, kunsaan katambal niya for the second time si Derek Ramsay.

"Thankful tayo for the blessings ng taong ito.

“Hindi lang professionally, pati personal di ba?

"May nagtanong nga sa akin kung bakit ang suwerte ko. Parang nasa akin na raw ang lahat.

"Sabi ko naman, di totoo na nasa akin ang lahat. Walang gano'n.

"Lahat tayo ay may hinahanap pa rin. Be it sa personal o sa professional life natin.

"Masaya lang tayo kasi you get to share your blessings with the people you love who love you back.

"Though di na kami kumpleto, nandoon pa rin yung happiness, yung kuntento ka na sa mga natatanggap mo.

“Masaya na tayo sa gano'ng buhay.

"Ang importante ay masaya tayong lahat at patuloy ang pasasalamat natin kay Lord, maliit man o malaki ang blessing na dumating," pagpapasalamat pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN