Jane Oineza on bf Kyle Secades: "I can be myself. No pretensions..."

Jane Oineza says relationship with Kyle Secades is "seryoso," but "malayo pa ang journey naming dalawa."


Halos dalawang taon na rin pala ang relasyon ng parehong naging Pinoy Big Brother housemates na sina Jane Oineza at Kyle Secades.

Pero natatawa si Jane nang binanggit ito sa kanya.

Aniya, “Mahirap kasi dahil yung iba, hindi counted bilang hindi pa official na boyfriend-girlfriend. Pero siguro roughly, mga two years.”

Kumusta naman sila?

“Masaya naman po, and he supports me rin sa career and sa kung ano ang ginagawa ko. Siyempre, that’s very important, and I can be myself.”

Mas gusto rin daw ni Jane na hindi nababalita ang lahat ng nangyayari sa kanila ni Kyle. 

Aniya, “Siguro ano lang kasi, ayoko na every thing kasi before, parang lahat na lang ng nakikitang article, about sa love life.  Parang ngayon, siyempre gusto ko na hindi lang yun ang napag-uusapan.

“There’s the career, family, tina-try ko na hindi yun lang. Na kapag sinabi mong Jane, e, tungkol lang sa love life."

Tutal hindi naman daw niya sinisikreto ang kanilang relasyon so maganda kung iba naman ang pag-uusapan tungkol sa kanya.

Sa pagpapatuloy ng dalaga, "And hindi rin naman ako nagtatago. 

“I still post sa IG [Instagram], nandun pa rin naman lahat.”

 Ano ang meron kay Kyle at matagal-tagal na rin ang relasyon nila?

“Kasi, I can be myself. No pretensions, no anything. He protects you.  And he can make me laugh,” nakangiting sabi niya.

Bagamat mga bata pa sila—21 years old si Jane habang 20 naman si Kyle—“seryoso” raw ang relasyon nila.

Ayon pa sa Star Magic talent, “Hindi ka naman papasok sa isang relasyon kung hindi mo naman naiisip na dun kayo pupunta. Kasi, nagsasayang lang din kayo ng oras.”

Napag-uusapan na nila ang kasal?

“Wala pa naman po kami run, malayo pa ang journey naming dalawa. 

"Pero yun nga, hindi ka naman papasok sa relationship kung hindi ka naman seryoso, but there’s a long way ahead of us.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jane sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikula na Haunted Forest, na 2017 Metro Manila Film Festival entry ng Regal Films, sa Valencia Events Place noong December 6.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN