Lea Salonga goes beast mode over rule breaker

IMAGE Noel Orsal

Broadway star Lea Salonga took to Twitter to call out an "idiot" who cut in line. 


Beast mode si Lea Salonga sa kanyang tweets tungkol sa isang taong sumisingit sa pila, ngayong Lunes, December 11.

Hindi tinukoy ng Pinay Broadway star kung saan nangyari ang insidente, subalit sa previous tweets niya, nabanggit ni Lea na nakatakda siyang lumipad patungong New York, USA.

Unang tweet ng The Voice of the Philippines coach ngayong umaga: “No, you cannot cut ahead of people in line, idiot!!!!!!!!!”

Pagkatapos ng isang oras, muling nag-tweet si Lea na tila follow-up sa unang mensahe tungkol sa taong sumisingit sa pila.

Aniya, “Sneaky pa si gago. Inching his way to the front of the line, ahead of a few older ladies. Matisod ka sana.”

Sunud-sunod naman ang nag-respond sa post ni Lea.

Karamihan sa mga ito ay nagpahayag ng suporta sa kanya.

Mayroon din namang nagpaalala sa kanyang manatiling mahinahon at huwag magpadala sa kanyang inis.

 



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN