Vice Ganda in friendly competition with Coco Martin in MMFF 2017

IMAGE Noel Orsal

Vice Ganda says he is not expecting to win an acting award in 2017 MMFF: "Hindi naman ako magaling umarte, nakakatawa lang siguro ako."


Hindi isyu para kay Vice Ganda kung makakalaban niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 ang matalik niyang kaibigang si Coco Martin.

Si Vice ang isa sa mga ng Gandarrapido: The Revenger Squad, habang si Coco naman ang bida at direktor ng Ang Panday.

Ayon sa TV host-comedian, bahagi ng kanilang trabaho ang pagiging magkatunggali sa taunang film festival tuwing Pasko.

“Masaya ako kasi lahat naman kami, may assignment kami na aliwin yung mga tao.

“E, si Coco, once a year lang din naman gumagawa ng pelikula.

“E, patapos na yung taon, so kailangan yung movie niya maipalabas na ngayong filmfest.

“Kasi, kung hindi pa, wala siyang entry.

“Lahat kami ay may assignment na aliwin ang audience namin.

“Ginagawa lang namin ang assignment namin at alam naman namin na ginagawa namin nang maayos.”

Sabi pa ng It's Showtime host, isang friendly competition lang ang mangyayari sa kanila ni Coco, na nakasama niya sa MMFF 2015 entry na Beauty and Bestie.

“Wala namang pagkakataon na isang pelikula lang ang pinalabas sa Metro Manila Film Festival, talagang marami kang makakatapat.

“Kaysa makatapat mo yung iba at kumita yung iba, mas masaya ka na kung ang katapat mo ay yung kaibigan mo at pareho kayong kumikita, di ba?”


Stories We Are Tracking

Coco downplays competition with Vice, Vic at MMFF 2017
Coco downplays competition with Vice, Vic at MMFF 2017

Bukod sa kanilang pelikula, bahagi rin ng MMFF 2017 ang All of You nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay; Deadma Walking nina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa; Haunted Forest nina Jane Oineza, Jameson Blake, at Maris Racal; Ang Larawan nina Rachel Alejandro, Joanna Ampil, at Paulo Avelino; Meant to Beh nina Vic Sotto at Dawn Zulueta; at Siargao nina Jericho Rosales, Erich Gonzales, at Jasmine Curtis Smith.

BLOCKBUSTER OVER AWARD. Nang papiliin si Vice kung blockbuster o acting award, mas nais daw niyang maging blockbuster ang kanyang pelikula.

Saad niya, “Hindi naman ako magaling umarte, nakakatawa lang siguro ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw ko na rin i-claim na ang galing kong aktor.

"Mas gusto ko na lang sabihin ng mga tao na, 'Nakakatawa ang pelikula mo.'

“Ayaw ko na rin mag-pretend... na ako'y isang mahusay na artist o ako'y mahusay na aktor.

“Gusto ko lang magpatawa.

"Masayang-masaya na ako kapag pinapanood nila ang pagpapatawa ko, tumatawa sila.

"Nandun sa akin ang achievement.”

MOVIE ADVANTAGE. Para kay Vice, may laban sa takilya ang The Revenger Squad dahil sa pagsasama-sama nila nina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

Saad ng Kapamilya star, “Bago ang dynamic namin, Pia-Daniel-Vice.

“Sa mga nakalipas na panahon... kaming dalawa ni Daniel.

"Mayroon na kaming naitanim na magandang experience sa mga manonood namin.

“Yung past movies ko, marami na sila na sadyang kinaaliwan, kinatuwaan.

"At kinatawanan ng buong pamilya nila.

“Si Daniel din, marami silang magagandang pelikula.

"Mahalaga yun, e, yung itinatanim namin ngayon.

"Ang bunga niyan ay sa susunod na taon, e.

“Kaya yun siguro ang edge namin, kasi last year may naitanim kaming maganda sa mga tao.

"At alam nila, 'Hindi kami ipapahiya nito, hindi tayo raraketin ng mga artistang ito.

"'Hindi tayo inuuto, hindi sasayangin ang pera natin sa Pasko. Sigurado tayong tatawa tayo.

"'Kasi ilang taon na kapag sinabi nilang nakakatawa, nakakatawa talaga.'”


Stories We Are Tracking

Vice Ganda on target for <em>The Revenger Squad</em>:
Vice Ganda on target for The Revenger Squad: "P1 billion"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN