Saab Magalona calls out columnist for "sexualization" of her preggy bikini photo

IMAGE Instagram (@saabmagalona)

Saab Magalona posts a series of tweets to slam an entertainment writer for "sexualizing" her preggy bikini photo (right photo). "Women don't post photos para magmukhang "katakam-takam" o "malinamnam" para sa mga lalaki!!!!!" tweets the celebrity blogger.


Inalmahan ng celebrity blogger na si Saab Magalona ang isang artikulo na sa pakiramdam niya ay tila nagse-sexualize ng kanyang baby bump.

Sunud-sunod ang tweets ng anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona kahapaon, December 11, upang batikusin ang artikulong isinulat ng showbiz columnist na si Rey Pumaloy na nailathala sa tnt.abante.com.ph.

Kalakip ng artikulo ang larawan mula sa Instagram account ng kapatid ni Saab na si Maxene Magalona.

Sa larawang kuha mula sa bachelorette party ni Maxene sa Solaire Resort and Casino Hotel, makikita sina Maxene, Saab, Megan Young, Lauren Young, at isa pang kaibigan habang nagtu-toast sa pool.

Naka-swimsuit ang limang kababaihan, kabilang na si Saab na buntis ngayon sa kanilang kambal na anak ng mister na si Jim Bacarro.

#MAXXelorette x #SolaireStaycation has officially begun!!! I’m sooo excited!!! ????????????

A post shared by Maxene Magalona (@maxenemagalona) on

Narito ang ilang bahagi ng artikulong may titulong “Maxene tinalbugan si Saab sa pagpapasexy”:

“Naka-two piece black top at high waist swim panty si Maxene, at kahit medyo conservative ang swimsuit ng aktres katakam-takam pa rin ito sa paningin ng mga kalalakihan.

“Sapat na ang katangiang ito para hindi puwedeng hindi pagpantasyahan at pagnasahan ng mga kalalakihan ang alindog nito.

“Ang bubbly facial expression ni Saab ang makinis nitong balat na walang stretch marks ay sapat na para maging malinamnam ito sa paningin ng mga lalake lalo yung mga may asawa na at dumaan sa ganitong estado nang pagbubuntis ng kanilang misis.

"Sa dalawang sexy photo shot ng magkapatid, mas gusto naming ibigay ang 'sexiness crown' kay Saab dahil hindi siya nagdalawang isip na ipangalandakan ang preggy-sexy figure nito.”

SEXUALIZING A BABY BUMP. Hindi nagustuhan ni Saab ang paggamit ng kolumnista ng mga salitang “katakam-takam,” “malinamnam,” at “nagpatalbugan” upang ilarawan ang mga katawan nila ni Maxene.

Ayon sa celebrity blogger, hindi nagpu-post ng mga larawan ang mga babae upang magmukhang “katakam-takam” at “malinamnam” para sa mga lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito ay nag-post si Saab ng screenshots ng artikulo ni Rey, kalakip ang tweet na: “People need to stop thinking this shit is normal.”

Paliwanag ni Saab sa isa pa niyang tweet, naniniwala siyang hindi “meat” ang tingin ng writer sa mga babae, kundi isa raw itong “clickbait article” para sa mga mambabasang normal ang tingin sa ganitong uri ng pag-iisip.

Bumanat pa si Saab sa isang tweet sa pamamagitan ng pag-share ng kanyang preggy photo na naka-two piece na may caption na ganito: “For context, here's my 'pregnant unicorn' photo. If you really wanna sexualize this cute twin baby bump, tang**na mo na lang.”

WRITER'S EXPLANATION. Kagabi, December 11, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rey Pumaloy upang kunin ang kanyang panig tungkol sa tweets ni Saab.

Simula ng writer, ang kanilang publication ay nagpi-feature ng sexy photos ng mga artista mula sa social media.

Dagdag pa niya, “Yun naman, hindi naman mga unguarded moments.

“Kumbaga, naka-public display yung mga photos na kinuha sa Instagram.”

Itinanggi ng PEP.ph contributor ang tinuran ni Saab na sine-sexualize ang larawan nito.

“Wala namang sinabing direktang sexual act o movement.”

Ipinaliwanag din ni Rey ang mga ginamit niyang salita para ilarawan ang katawan ng magkapatid.

“Kung ano man yung ibig sabihin na malinamnam, masarap siyang tingnan, not necessarily masarap siyang i-sexualize or something.

“Dinescribe ko lang naman yung kay Maxene, yung sexiness niya na maganda ang balakang niya, long legs siya.

“Yung kay Saab, about yung makinis yung balat niya, walang stretchmarks na para maging malinamnam sa paningin ng mga asawang dumaan sa ganitong estado ng pagbubuntis ng kanilang misis, which is true naman.

"Di ba, lahat naman ng lalaki, for them, sexy naman sa tingin nila kahit buntis yung asawa nila na naka-two-piece?"

Binanggit pa ni Rey ang mga artistang sina Bangs Garcia, Toni Gonzaga, at Beyonce na nagpa-picture nang halos nakahubad noong sila ay buntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong ng veteran showbiz writer, “Ang point ko doon, kung ayaw mong makita ka sa perspective ng isang nakakakita sa ipinost mo sa social media, e, di huwag kang mag-post ng naka-two-piece ka tapos nakalitaw ang tiyan mo, di ba?

“Ang intensiyon ko ay ipakita na kahit buntis siya, sexy pa rin siya sa paningin ng mga nakakakita sa kanya.

“Sexy pa rin siya sa tingin ng mga kalalakihan, na yummy pa rin siya.”

Habang isinusulat ang artikulong ito ay nag-iwan ng mensahe ang PEP.ph kay Saab para sa kanyang reaksiyon hinggil sa isyu.

Agad na ilalathala ng PEP.ph kapag nakakuha kami ng kasagutan mula sa kanya. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN