Daniel Matsunaga on ex-girlfriend Erich Gonzales's new sexy image: "I'm happy for her."

IMAGE Noel Orsal

Hangga't maaari ay ayaw nang magkomento ni Daniel Matsunaga tungkol sa ex-girlfriend niyang si Erich Gonzales, na usap-usapan ngayon dahil sa kanyang bagong sexy image. "Move forward tayo, matagal na. It's been almost one year na [since our breakup], meron na akong love life ngayon, di ba? Sobra-sobrang ganda, sobra-sobrang bait."


Walang gaanong reaksiyon si Daniel Matsunaga tungkol sa naglalabasang sexy photos ni Erich Gonzales bilang calendar girl ng isang liquor brand.

Si Daniel ang dating kasintahan ng Kapamilya actress, kaya hindi maiwasang mahingan siya ng opinyon tungkol sa pagbabago ng imahe ni Erich.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

Nangingiting tugon ni Daniel, "It's good, you know. I'm happy for her.

"As much as possible, as I've said, I don't want to talk about my past, di ba? 'Cause past is past.

"Move forward tayo, matagal na.

"It's been almost one year na [since our breakup], meron na akong love life ngayon, di ba?

"Sobra-sobrang ganda, sobra-sobrang bait.

"And, I want to focus on that muna."

Paano kung makita niya ang hugis ng katawan ni Erich na ang sexy, wala pa rin siyang reaksiyon?

Giit ni Daniel," Wala, wala akong comment dun.

"Nakita ko kasi, we have... same management kami.

"E, wala, wala. Wala akong reaksiyon."

Wala rin daw siyang panghihinayang na nararamdaman dahil sobrang saya ng personal niyang buhay ngayon.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel sa grand presscon ng pelikulang Meant To Beh, na ginanap sa Anabel's Restaurant, Quezon City, last week.

Si Daniel ay isa sa cast members ng 2017 Metro Manila Film Festival movie na ito nina Vic Sotto at Dawn Zulueta under OctoArts, M-Zet, and APT Entertainment.

NEW RELATIONSHIP. Samantala, marami ang nagtatanong kung bakit ngayon ay very open na si Daniel sa pagkukuwento tungkol sa kanyang US-based Polish girlfriend na si Karolina Pisarek.

Sa mga nakaraang panayam, halos ayaw niya itong pag-usapan para raw maprotektahan ang kanilang private lives.

Pero ngayon, mas naging bukas na si Daniel sa publiko lalo na't madalas na siyang nagpu-post ng kanilang sweet moments sa social media.

Ano ang naging dahilan sa pagbabago niya ng desisyon?

Pahayag ng Brazilian model-actor, "Hindi naman sa open. Sometimes, you can't avoid pictures and everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Instagram is just part of my story, e.

"I have nothing to hide naman, no shame or anything.

"I'm very proud of what we do. Karolina... she's so nice.

"She's an amazing person inside and outside.

"She's nice and so sweet, so why not post it and stuff like that.

"But, as much as possible, gusto ko mas private ng konti yung relationship namin.

"At least we have something between us lang, and not just being open to everybody to know what's happening in your life.

"Sometimes, it's good to be private ng konti."

Bakit kaya? Na-traumatize ba siya noon sa relasyon nila ni Erich na masyadong bukas sa publiko?

Pagtanggi ng dating Pinoy Big Brother winner, "Hindi naman traumatize, hindi naman.

"I'm not afraid of what had happened or anything like that.

"There are lots of judgmental people, pero yun nga, it happens lagi.

"There's not much I can do, di ba?

"So what I just do is pray for people because I they don't really know you, why do you [have] to judge somebody.

"And it's not for you to judge anybody.

"So right now, I've very happy sa lahat ng blessings ko, and sa family ko, sa love life ko.

"And yun nga, happy-happy lang lagi.

"Walang trauma naman, e. Walang ganun.

"Everything in the past, you learn a lesson kahit mali o anuman ang nangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN