Joseph Bitangcol mourns passing of his father

IMAGE Courtesy: Joseph Bitangcol Facebook account

Sumakabilang-buhay ang ama ni Joseph Bitangcol noong Linggo, December 10, habang nasa isang show sa Bacolod ang aktor. Labis na ikinalungkot ng aktor na hindi siya nakauwi agad dahil kailangan niyang tapusin muna ang kanyang trabaho.


Magiging malungkot ang Kapaskuhan ng aktor na si Joseph Bitangcol dahil sa pagpanaw ng kanyang ama.

Madaling-araw ng Lunes, December 11, malungkot na ibinalita ni Joseph sa kanyang Facebook account ang pagpanaw ng ama na si Jose Lagman Bitangcol dahil sa cardiac arrest.  

Ayon sa aktor, higit na masakit ang pangyayari dahil nasa Bacolod siya para sa isang show nang bawian ng buhay ang kanyang ama noong Linggo ng gabi, December 10.

Mensahe ng Star Circle Quest alumnus, "Dati napapanuod ko lang ang mga eksena na ganito.

“Masakit at mahirap pala talaga. When you’re far way working and one of your love ones passed away, and you can’t do anything about it, just phone calls.

“Then you still have to SMILE for work. And you can’t go home right away. It sucks. 

“Bye dad, sana mayakap pa kita.”


 

Nakalagak ang mga labi ng ama ni Joseph sa Marian Memorial Chapels sa Marcos Highway, Antipolo, Rizal.

Nakatakdang i-cremate ang mga labi nito sa Sabado, December 16.

????

A post shared by Joseph Bitangcol (@sephyboi13) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN