Ai-Ai delas Alas weds Gerald Sibayan: "Yes, super I do, Father!"

IMAGE Gorgy Rula

Ikinasal na ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa kanyang longtime boyfriend na si Gerald Sibayan sa Christ The King Church Green Meadows, Quezon City, ngayong Martes ng umaga, December 12.


“Yes, super I do, Father!”

Ito ang sagot ni Ai-Ai delas Alas, 53, nang tanungin ng officiating bishop kung tinatanggap niya bilang asawa si Gerald Sibayan, 24.


Natawa sa sagot ni Ai-Ai ang lahat ng mga saksi sa pag-iisang dibdib nila ni Gerald sa Christ The King Church Green Meadows, Quezon City, ngayong Martes ng umaga, December 12.

Nagawa uling magbiro ng Comedy Queen nang isuot nila ni Gerald sa isa't isa ang kanilang mga wedding ring.

“Hindi yata kasya. Mali yata ang in-order natin,” ang sabi ni Ai-Ai, na maligayang-maligaya dahil natupad ang kanyang dream church wedding.


Nine-thirty A.M. ang oras na nakalagay sa imbitasyon, pero 10:17 A.M. nang magsimula ang wedding march.

Ang mga magulang ni Gerald ang naghatid sa kanya sa altar, samantalang solo na naglakad si Ai-Ai sa church aisle.


Nakapikit ang mga mata ni Ai-Ai bago ito nagmartsa dahil tila ninamnam niyang mabuti ang lyrics ng “Ngayon at Kailanman,” na live na inawit ni Martin Nievera.

Kasabay ng paglalakad ni Ai-Ai ang pagpatak ng luha niya dahil sa sobrang kaligayahan.

Best wishes, Ai-Ai! ???? @gorgyrula

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Nalunod sa malakas na palakpak ng church guests ang pagkanta ni Martin ng isa sa mga favorite song ng Comedy Queen.

Matron of Honor si Sharon Cuneta na asikasong-asikaso si Ai-Ai.

Si Sharon ang matiyagang nag-ayos ng long hand-painted train at veil ng kanyang matalik na kaibigan.

Kabilang sa principal sponsors sina former Vice President Jejomar Binay, Senator Richard Gordon, Atty. Felipe L. Gozon, Marivin Arayata, Lolit Solis, at Tony Tuviera ng APT Entertainment.

Si Roselle Monteverde ang proxy ng kanyang ina na si Lily Monteverde; samantalang hindi nakarating sa simbahan ang principal sponsors na sina Lipa City Representative Vilma Santos-Recto, Boy Abunda, Willie Revillame, at Cristy Fermin.

Kumpleto naman ang secondary sponsors na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Vic Sotto at Pauleen Luna, Randy Santiago at Marilou Coronel, Piolo Pascual, Pops Fernandez, Eugene Domingo, Jose Manalo, Barbie Forteza, Valeen Montenegro, Jerald Napoles, at ang bestman na si Alden Richards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN