Anne Curtis on sister Jasmine's health: "She's really, really fine."

IMAGE Jasmine Curtis Smith Instagram

Anne Curtis explained the reason for her sister Jasmine's recent weight loss. "She was preparing to really look good for the wedding. She's actually gaining weight kasi tapos na, hindi na niya kailangan kumasya sa maid of honor gown niya."


Pinayapa ni Anne Curtis ang mga taong nag-aalala para sa kalusugan ng kanyang nakababatang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith.

Marami kasi ang naalarma sa laki ng ipinayat ni Jasmine. May ilang netizens din ang nagsabing nagmukhang anorexic at tumanda raw ang aktres.

Hindi na rin napigilan ni Jasmine na sagutin ang komento na ito ng netizens.

Sinabi niyang dala ito ng pagkabigla ng katawan niya sa physical activities dahil wala siyang katulong sa bahay.

Sana raw ay huwag masyadong iparamdam sa kanya kung gaano daw kasama ang kanyang itsura sa ngayon.


Stories We Are Tracking

Jasmine Curtis answers netizen who called her
Jasmine Curtis answers netizen who called her "anorexic"

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Anne sa Anak TV Awards noong December 8, siniguro naman niyang unti-unti nang bumabalik ang lusog ng katawan ng kapatid.

Sabi niya, “Fine, she’s really, really fine.

"She was preparing to really look good for the wedding.

"She’s actually gaining weight kasi tapos na, hindi na niya kailangan kumasya sa maid of honor gown niya."

MARRIED LIFE. Ikinasal si Anne kay Erwan Heussaff noong November 12 sa New Zealand.

Ano ang pakiramdam ngayong Mrs. Erwan Heussaff na siya?

Ayon kay Anne, “Masaya siya, sobra. If ever, the change has been, just even more happier and happiest."

Anu-ano ang mga natuklasan niya ngayon sa asawa?

"Madami, I guess lalo na parang back to day one kayo uli, so it’s even sweeter.”

Consistent pa rin ang TV host-actress sa pagsasabing dalawang taon pa ang bibilangin bago nila balak magkaanak.

“I believe kasi, when you get married, you should enjoy the journey of enjoying the married life.

"Para din prepared kayo when you become parents," paliwanag ni Anne. 

NEW MOVIE. Kahit napapanood araw-araw si Anne sa It’s Showtime, isang pelikula sa ilalim ng direksiyon ni Erik Matti ang natapos niyang gawin.

“Sneak peek pa lang 'yan," sabi ni Anne tungkol sa pelikula niyang Buy Bust.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibang-iba siya, mayroon kayong aabangan on 2018 and Buy Bust.

"We are about to release the first teaser very, very soon.

"Sobrang hirap, ibang level ng hirap ko dito.

"We’ve been working on the film for two years now.

"So much love, pawis, pagod, at literal na dugo have been part of the film."

HALL OF FAMER. Sa huli ay nagpasalamat si Anne na isa siya sa pinarangalan bilang Female Makabata award ng Anak TV Award.

“Sobra akong nagpapasalamat talaga to everyone, all the kids, all the parents, all the teachers, and everyone’s that part of na isa na akong Hall of Famer.

"It’s such a dream now that I am celebrating my 20 years in the business.

“Every time that I receive an award from Anak TV, it is such a privilege, it’s an honor.

"Lalo na I used to be a kid once who is watching TV and now, I’m on the other side of the TV.

"There’s also great responsibility knowing na you have to be a good example to the children and also, at the same time, bring happiness to them.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN