Star Magic artist Hannah Ledesma turns her back on beauty pageantry

IMAGE Noel Orsal

Twenty-year-old Hannah Ledesma says her true calling is not to become a beauty queen, but to do more as an actress: "I hope to make a difference in this particular area po... hindi naman world-changing. Through this craft po, through movies, TV, tutulong po tayo na ihulma po yung isip ng ating mga kabataan."

 


Una at huling pagsali na raw ni Hannah Ledesma sa Binibining Pilipinas noong 2014, kung saan ang nanalong Miss Universe Philippines ay si MJ Lastimosa.

Paliwanag niya kung bakit ayaw na niyang sumaling muli sa isang beauty pageant, “Ang pageant po kasi is really a calling.

“After po kasi nung pageant, nabigyan na ako ng opportunity to act.

“And na-realize ko po, iyon yung mas gusto kong gawin, mas gusto ko pong umarte.”

Kasama si Hannah sa Metro Manila Film Festival 2017 official entry na All Of You, na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.

Twenty years old pa lang siya, puwede pa naman siyang sumali muli.

Pero ayon sa Kapamilya talent, “Puwede pa naman po, isinasali nga po ako sa Miss World.

"Pero sabi ko nga po, pageantry is really a calling.

“Lalo na po sa Pilipinas, sobrang laki ng pageantry. 

“Yung deserving pong manalo ng crown is yung talagang gustung-gustong manalo ng crown.

“And I feel, like, marami po tayong mga kandidata lalo na this year na deserving po talaga.”

Iba nga raw ang calling ni Hannah.

“Mas gusto ko pong umarte, mas nagustuhan ko po ang ganitong craft.

“Sa environment din po, ibang-iba ang pageantry sa show business, so mas comfortable po ako dito.

“And I hope to make a difference in this particular area po.”

Ano ang difference sa environment na tinutukoy ni Hannah?

Paliwanag niya, “Kung sakali pong mabigyan ako ng project na… hindi naman world-changing.

“Pero makaimpluwensiya po sa mga ka-age ko and, hopefully, sa mga mas bata po.

“Para po mahulma po yung mga pag-iisip nila, especially po in our country right now.

“Our culture is changing, the world is changing.

“So, through this craft po, through movies, TV, tutulong po tayo na ihulma po yung isip ng ating mga kabataan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Hannah sa presscon ng All Of You, sa Max’s restaurant, Roces Avenue, Quezon City, noong December 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOWBIZ CRUSH. Magkatuwang ang Star Magic at si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films sa pag-aalaga sa career ni Hannah.

Si Atty. Alonso ang isa sa mga producer ng All Of You.

Kumusta magkaroon ng manager na producer?

Ayon kay Hannah, “Napakabait po ni Attorney. Nung nalaman niya na gusto kong subukan ang show business, siya po mismo ang lumapit sa akin.

“Ang una po talagang naka-discover sa akin, si Direk Jeffrey Jeturian, tapos ipinakilala niya po ako kay Attorney Joji.

“Hangang ngayon po, masaya po ako, tinutulungan niya po ako.”

Ang unang pelikulang ginawa ni Hannah ay ang Kubot: The Aswang Chronicles 2 (2014), kung saan siya ang pumalit sa role ni Lovi Poe.

Ang una naman niyang TV show ay ang Ipaglaban Mo; na sinundan ng Doble Kara at Dolce Amore.

Napanood din si Hannah sa mga pelikulang The Love Affair at Can’t Help Falling In Love nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Halimbawang bigyan siya ng launching project, sino ang nais niyang maging leading man?

“Hindi naman po ako choosy, pero kung puwede po, si Jericho Rosales!” natatawang sagot ni Hannah.

Nanghinayang ba siyang na hindi natuloy si Jericho sa All Of You?

Bago si Derek ay si Jericho ang na-consider para sa male lead role ng pelikula.

“Ay, mabait din naman po si Sir Derek.

"Si Jericho po kasi, bata pa po ako, crush ko na po siya."

Nakilala na ba niya nang personal si Jericho?

“Sa hallway lang po ng ABS,” sagot ni Hannah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN