Derek Ramsay reunites with son Austin after a year

IMAGE Courtesy: Jun Nardo

Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ng aktor na si Derek Ramsay dahil muli niyang nakapiling ang anak na si Austin habang nakabakasyon ito sa bansa mula sa Dubai. Kasama rin sa larawan ang live-in partner ni Derek na si Joanne Villablanca. 


Muling nakapiling ni Derek Ramsay ang kanyang 13-year-old son na si Austin.

Nasa Pilipinas ngayon si Austin dahil naka-holiday break siya mula sa kanyang pag-aaral sa Dubai.

Isinama siya ni Derek sa advance screening ng pinagbibidahang pelikula nito, ang All Of You, sa Directors' Club ng SM Megamall, kahapon, December 12.

Kasama rin nina Derek at Austin ang live-in partner ng aktor si Joanne Villablanca sa advance screening ng pelikula. 


Huling nakasama ng aktor ang anak noong January 2016 nang huling nagbakasyon ito sa Pilipinas.


Stories We Are Tracking

Derek spends vacation with son, girlfriend in Palawan
Derek spends vacation with son, girlfriend in Palawan

Hanggang January 7, 2018 mananatili si Austin sa bansa.

Ayon sa impormasyong nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nasa Bukidnon ngayon ang mag-ama para sa opening ng isang outlet ng iniendorsong produkto ni Derek.

Matapos nito, pupunta rin ang dalawa sa vacation house ng mga Ramsay sa Palawan.

Sa Instagram, nag-post kaagad si Derek tungkol sa anak kahapon din, December 12.

Caption niya, “Yeah boy he's back! This trip is going to be (in Austin's terms) LIT #fatherandson.”


 

Noong December 1, nagpahayag ang 40-year-old actor ng kanyang pagkasabik na makasama si Austin, na naka-base sa Dubai kasama ang ina nitong si Mary Christine Jolly.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN