Joross Gamboa reveals how he handles temptations

IMAGE Noel Orsal

No more wingdings for Joross Gamboa, and knowing his wife and kids are waiting for him has done the trick: "Kahit ayain ako, kahit sagot nilang lahat, party, hindi na ako nakakapunta."

 


Mula nang magpakasal si Joross Gamboa at magkaroon ng mga anak, hangad lang daw niya ang buhay na malayo sa gulo.

Pahayag ng 33-year-old actor, “Sabi nga, kapag ang Diyos nagplano at nagbigay sa ‘yo ng blessing, hindi lang sa financial ka bine-bless… all angles of life.

“Siyempre bilang tao, hindi tayo perpekto, puwede tayong magkamali pa rin.

“But with God’s strength, not my own, and with God’s grace, malalagpasan ang mga yun.”

Inamin ni Joross na lapitin pa rin siya ng tukso at madalas pa rin siyang matukso.

Ayon sa kanya, “Marami pa rin, sinasabi ko sa asawa ko ‘yan.

“Ang difference, paano mo iha-handle? Iiwas ka na.

“Hindi na ako umiinom.

"Kapag iinom naman, kasama ko ang asawa ko… wine-wine lang, hindi na hard."

Hard-drinker daw siya talaga dati.

“Dalawang baso lang ang limit ko, after nun, wala na akong limit!” nakangising sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Para raw madisiplina ang kanyang pag-inom, tine-text daw ni Joross ang kanyang misis na si Katz Saga na uuwi na siya.

Kaya sa isip niya, alam niyang naghihintay si Katz sa kania.

HOMEWARD BOUND. Ngayon daw ay mas gusto na lang ni Joross na nasa bahay siya pagkatapos ng trabaho.

Kasama siya sa cast ng ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre.

Sila ni Edgar Allan Guzman ang mga bida sa Metro Manila Film Festival 2017 official entry na Deadma Walking.

Malakas na magnet nga raw ang dalawa niyang anak.

Lahad ni Joross, “Kapag nakita mo naman.

“Kaya kahit ayain ako, kahit sagot nilang lahat, party, hindi na ako nakakapunta.

“At saka, ang temptasyon, tinatakbuhan, hindi nilalabanan.

“E, ako dati, nilalabanan ko, pero talo ako lagi.

“So ngayon, bago pa magkaroon ng eksena na solo kayo sa isang lugar, iwasan mo na.”

Paano naman ang diskarte niya sa mga anak na parehong lalaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magiging istrikto ba siya o hahayaan niyang maranasan nila ang pinagdaanan niya at matuto tulad niya?

Tugon ni Joross, “Ilalapit ko lang sila sa Diyos, yung mas makilala nila ang Diyos.

"And everything follows, iga-guide ko sila at Diyos na ang bahala sa kanila.

“Ipagdarasal ko na lang kasi dalawa lang ‘yan.

“Matuto sila sa mistake ng ibang tao or sila mismo ang maka-experience.

“So, nasa kanila yun.”

????GAMBOA FAMILY #family #checkerd #checkeredshirt #advancebirthdaycelebration #familygoals

A post shared by Joross Gamboa&Katz Saga-Gamboa (@jorossandkatz) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN