Music icon Joey Ayala on President Duterte: "May sariling karma ang pagmumura niya."

IMAGE Jojo Gabinete

Joey Ayala: "Ang isang problema yata natin, at least, sa Philippine culture, is mapanghatol. Agad-agad. Hindi natin nakikita yung morality ng mga bagay."


Walang isyu ang music icon na si Joey Ayala kay President Rodrigo Duterte, pero naniniwala siyang may epekto sa pangulo ng Pilipinas ang madalas na pagmumura nito.

Pahayag ni Joey, “Si Digong, may sariling karma ang pagmumura niya. May sariling karma ‘yan.

“Malamang, sira ang ngipin, kasi kapag lagi kang nagmumura, acidic. Masisira ang enamel ng ngipin mo.

“Konektado ‘yan pati sa digestion.

“Even if you like him, he’s destroying himself in a way.

“Pero siyempre, may advantage din yung pagmumura niya, e.

“It shocks you into attention. May gamit siya.”

Patuloy ng 61-year-old legendary musician, “Ang isang problema yata natin, at least, sa Philippine culture, is mapanghatol. Agad-agad.

“Hindi natin nakikita yung morality ng mga bagay.

“Nagmumura, bastos ‘yan.

“Tingnan mo yung kabila. May patay, ano yung kabila? Wasak ang Marawi, ano yung kabila?

“Actually, we are trapped in that logic—na may maganda at masama.

“It prevents us from seeing what is really happening.” 

Gusto ba niya ang pamamalakad ni Pangulong Duterte sa Pilipinas?

Makahulugang sagot ni Joey, “It’s not gusto o ayaw.

“I see that as what it is and I try to live with it na hindi ako masira.

“Saka yung ginagawa ko, as much as possible, nakakagaan ng impact ng kung anuman ang malabo, makagaan sa tao.

“Yun ang maiko-contribute ko, kasi masyadong mabigat, pero but not necessary na mabigat.

“Parang nature nga, e. Mapipigilan mo ba ang earthquake? Ang ulan, mapipigilan mo ba?

“No, but you can help people prepare for it.

“Mahirap mag-sustain ng galit. It will burn you out.

“Masisira ang atay mo. Mai-stress ka pa kasi ang atay ang nag-i-store-store ng biochemical ng anger.

“Sa Bisaya, may giatay, tinamaan ang atay mo ng sariling emosyon. Giatay ka.

“It comes out na idiomatic expression.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joey sa media launch ng Chada, kahapon, December 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Chada ay ang CDO Millennials Music and Arts Festival na magaganap sa The Atrium ng Limketkai Center, Cagayan de Oro City, sa January 27, 2018.

Makakasama ni Joey at ng Bagong Lumad sa musicfest na ito sina Dong Abay, Jireh Lim, Hale, at Silent Sanctuary.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN