Maris Racal reveals what she likes about Inigo Pascual

IMAGE Melo Balingit

Maris Racal says she's happy with Inigo Pascual's efforts to get close with her. "First time ko rin na may very open na lalaki. Very open po si Inigo, at naa-appreciate ko yun, walang pretensions."


Unti-unti nang nag-o-open up ang young actress na si Maris Racal tungkol sa closeness nila ng kapwa Kapamliya artist na si Inigo Pascual.

Marami ang curious malaman kung ano ang nagustuhan niya kay Inigo.

Paliwanag ng 20-year-old actress-singer, "Yung ugali niya po.

"Ang bait, very humble, and wala siyang arte sa katawan.

"Maalaga naman... Dati kasi, hindi ko naiintindihan ang message niya sa akin, parang puro work lang.

"But now, nag-uusap kami every day, every second."

Paglilinaw ni Maris, "Nag-uusap kami about our future. Not about our future together.

"Hindi pa naman umaabot sa ganun.

"Yung future namin isa't isa."

Looking back, kailan ba nagsimula ang closeness nila sa isa't isa?

Aniya, "Nagsimula po kami noong September.

"Bago pa po, getting to know each other pa rin po kami.

"First time ko rin na may very open na lalaki.

"Very open po si Inigo, at naa-appreciate ko yun, walang pretensions.

"Nakakaano lang na after his interviews, ako naman yung may interviews.

"Kaya nakaka-pressure, pero I'm happy na siya ang sumasagot."

Sa pagkakataong ito, pabirong naitanong sa kanya ng isang kolumnista kung sino ba ang mas guwapo sa kanya: si Iigo ba o ang ama nitong si Piolo Pascual?

Natawang sagot ni Maris, "Mas pogi? Si Inigo!

"Si Papa P, ano siya, Master Pogi."

Sa tingin ba niya ay boto rin sa kanya si Piolo?

Parang nahihiyang sagot ng dating Pinoy Big Brother housemate, "Yung comment ko lang po diyan, sobrang...

"Happy naman po ako na okey po siya sa akin.

"Sobrang supportive niya sa akin, and... yun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press si Maris sa grand mediacon ng pelikulang Haunted Forest na ginanap sa 38 Valencia St., Quezon City, noong nakaraang linggo.

Si Maris ay isa sa cast members ng pelikula na entry ng Regal Entertainment, Inc. sa Metro Manila Film Festival 2017, na magsisimula na sa December 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OKAY WITH SOFIA. Sinabi naman ni Maris na wala siyang naramdaman nang inamin ni Inigo ang short-lived relationship niya noon kay Sofia Andres.

Aniya, "Okey lang, normal [ang reaksyon niya].

"Kasi, I knew na naging sila.

"Bago naman po ako sa showbiz, alam ko naman po na..."

Wala naman daw ilangan sa pagitan nila ni Sofia kapag nagkikita sila sa Kapamilya events.

"Friends naman kami even before Inigo and I [became close].

"So hindi po, wala po[ng ilangan]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN