Andrea Torres learns art of deadma in dealing with controversies

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Andrea Torres, walang mabuting maidudulot sa isang artista kapag magpapaapekto sa mga ibinabatong intriga sa kanya. Dapat lang daw itong huwag pansinin at manatiling matatag upang malampasan ang mga kinakaharap na intriga.


"Blessed talaga."

Ganito ilalarawan ni Andrea Torres ang taong 2017 para sa kanyang personal na buhay at karera.

Madaming pinagdaanang intriga at kontrobersiya ang Kapuso actress sa taong ito, ngunit nalampasan daw niya ito lahat

Pahayag niya, "Ang daming surprises sa akin ni Lord na mag-i-end ako ng year ko na nakangiti talaga, sobra.

"Parang gusto ko lang mag-celebrate with my family, with my friends.

"Ang daming reasons to celebrate."

Kabilang sa kinasangkutang isyu ni Andrea ngayong taon ay ang alitan nila diumano ng kapwa Kapuso star na si Marian Rivera.

Ito ay kaugnay ng pagkaka-link ni Andrea sa leading man niya sa Alyas Robin Hood na si Dingdong Dantes, mister ni Marian. 

Pero natutunan na raw ni Andrea ang sinasabing "art of deadma."

Saad niya, "Oo naman. Ano lang, nasa disposisyon mo naman yun, e.

"Kung paano mo siya titingnan or kung magpapaapekto ka.

"E, ako, natutunan ko na rin, na totoo pala yun, art of deadma talaga dapat.

"Kasi kung lahat ng bagay magpapaapekto ka, mapu-pull down ka talaga.

"Makakalimutan mo lahat ng ibang bagay na magaganda para sa iyo.

"So ako, ano na lang, gusto ko na lang mag-focus sa kung anong projects na ibinibigay sa akin or kung ano yung mga blessings na dumarating sa akin para happy lang.

"Mahirap maging stressed."

Aminado naman ang 27-year-old actress na lahat ng ito ay bumagabag din sa kanya at sa damdamin niya.

Wika niya, "Iniyakan ko, lalo na yung mga comments na negative.

"Kasi minsan, kahit gusto mong i-defend ang sarili mo, pero feeling ko, pag gawin mo yun, lalaki pa, e."


Stories We Are Tracking

Andrea Torres denies friction with Marian Rivera
Andrea Torres denies friction with Marian Rivera
Marian and Andrea allegedly involved in snubbing incident
Marian and Andrea allegedly involved in snubbing incident
Marian Rivera wants issue with Andrea Torres to stop
Marian Rivera wants issue with Andrea Torres to stop
Andrea to leave Triple A amid issue with Marian?
Andrea to leave Triple A amid issue with Marian?

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa pocket presscon ng Meant To Beh sa Cave Restaurant, Tomas Morato, Quezon City, ngayong Huwebes, December 14.

Inorganisa ng GMA Artist Center ang presscon, kung saan kasama ang isa pa sa kanilang talent na bahagi rin ng pelikula, si Lharby Policarpio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MMFF 2017. Looking forward si Andrea sa Metro Manila Film Festival 2017 dahil nakakatuwa raw makita ang mga taong nag-aabang ng mga artista sa Parada ng mga Bituin.

Pangalawang pelikula na raw niya ito na nakasali sa taunang festival, ngunit isang eksena lamang daw siya sa una niyang pelikula.

Hindi katulad sa Meant To Beh kung saan marami raw siyang eksena kasama ang mga bidang sina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

Sabi ng aktres, "Looking forward ako kasi, at least, ang Pasko ko, sobrang daming blessings to be thankful for."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN