Kylie Verzosa sad over Mariel de Leon's failed Miss International bid

IMAGE Noel Orsal

Kylie Verzosa (right) on Mariel de Leon's (left) failed Miss International 2017 bid: "Sobrang sad ko nang makita ko yung list 'coz I'm one of the judges. Nakita ko yung list na wala yung pangalan niya. Sabi ko, 'Sure ba ito? Wala bang second list?'"


Kabilang si Miss International 2016 Kylie Verzosa sa mga hurado ng 57th edition ng Miss International na ginanap noong November 14, 2017 sa Tokyo, Japan.

Ayon sa former Miss International, sobrang lungkot ang naramdaman niya nang hindi makasali si Mariel de Leon sa semifinals ng beauty pageant.

“Sobrang sad ko. Sobrang sad ko nang makita ko yung list ‘coz I’m one of the judges.

"Nakita ko yung list na wala yung pangalan niya.

“Sabi ko, 'Sure ba ito? Wala bang second list?'

“Hinanap ko talaga siya. I felt so bad, parang ayoko nang lumabas.

“Ayoko nang lumabas kasi I know how she’s going to feel.

“I know kung ano yung feel ng parents niya, ng mentors namin.

“Ang hirap. Nahirapan po ako na lumabas noon,” pagbabalik-tanaw ni Kylie.

Ayon pa kay Kylie, ibinigay niya kay Mariel ang kanyang moral support.

“Binigyan ko siya ng lahat ng advice that I could.

“Every time she aske for advice, I did the best I could.

“I didn’t hold back anything na gusto kong i-share sa kanya,” sabi ng beauty queen.

Walang choice si Kylie kahit ayaw niyang lumabas sa coronation ng Miss International dahil may farewell walk siya at kailangan niyang isalin ang korona sa kanyang successor, si Kevin Lilliana ng Indonesia.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco sa press preview ng Metro Manila Film Festival 2017 entry na Ang Panday, sa TriNoMa Mall, kahapon, December 14.

KYLIE JOINS SHOWBIZ. Ang pagpirma ni Kylie ng kontrata sa Viva Artists Agency at Viva Films ngayong araw, December 15, ang pruweba na tuluy-tuloy na ang showbiz career niya.

Ito ay matapos siyang mabigyan ng special participation sa Ang Panday, ang fantasy-adventure-action movie ni Coco Martin.

“I want to try other avenues. Acting is always something I wanted to try, to expand my skills,” ang paliwanag ni Kylie tungkol sa desisyon niyang pumirma ng kontrata sa kumpanya ni Boss Vic del Rosario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento ni Kylie na hawak pa niya ang korona ng Miss International nang sikreto siyang mag-shooting para sa kanyang mga eksena sa Ang Panday.

Co-star din ni Kylie sa pelikula si Mariel.


Stories We Are Tracking

Mariel de Leon fails Miss International bid; Indonesia wins
Mariel de Leon fails Miss International bid; Indonesia wins
Paolo Ballesteros defends Mariel de Leon from bashers
Paolo Ballesteros defends Mariel de Leon from bashers
Sandy Andolong says daughter Mariel not affected by her loss
Sandy Andolong says daughter Mariel not affected by her loss


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN