Mariel de Leon to focus on showbiz after Bb. Pilipinas-International reign

IMAGE Noel Orsal

"The pressure is there but I don't think about it. At the same time, I will never be as good as my parents, never ever," says Mariel de Leon about being the daughter of award-winning actors Christopher de Leon and Sandy Andolong.


Sa 2018 ay ipapasa na ni Mariel de Leon ang korona bilang Bb. Pilipinas-International.

Pagkatapos daw nito ay gusto na niyang ituon ang pansin sa pagpapatuloy ng kanyang showbiz career.

Pahayag niya, “I wanna do more singing and hosting, but also acting.

“Hopefully more projects and experiences.

“Hopefully, I can evolve more in terms of both my singing and acting talents.” 

kaya lubos ang pasasalamat ni Mariel sa pagkakapili sa kanya ni Coco Martin bilang maging isa sa leading ladies nito sa 2017 Metro Manila Film Festival entry na Ang Panday.

Pahayag ng beauty queen, “It's super, super nice.

"I'm proud to be part of the cast and part of the movie.

"I'm really honored to have worked with Coco Martin.”

Hindi ito ang unang pagkakataong umarte si Mariel. Gumanap na rin siya ng supporting roles sa ilang teleserye.

Gayunman, aminado ang dalagang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na may kaunting pag-aalangan pa rin siya sa sarili nang i-offer sa kanya ang pelikula.

Aniya, “At first, parang natakot ako, na-intimidate ako, kasi si Coco Martin yun, e.

“Since my experience is very small lang, I was quite hesitant to be in the project.

“Actually, not really hesitant, but more scared for myself because baka mamaya hindi ako magaling or something.

“Pero once they asked me, I said yes agad.”

Nagpapasalamat din siya sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya ng Kapamilya actor.

“It's nice na he believes in me and he believes na there's something in me that I could bring out through acting, which I never thought I could do before,” sabi ni Mariel.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mariel matapos ang special screening ng Ang Panday, kahapon, December 14.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

PARENTS' ADVICE. Samantala, bilang anak ng mga dekalibreng aktor na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong, aminado si Mariel na may kaunting pressure sa parte niya sa pagiging aktres

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The pressure is there but I don't think about it.

“At the same time, I will never be as good as my parents, never ever.

“But that's not something I think about because I'm just here to have fun and gain more experiences.”

Ano naman ang madalas na ipinapaalala sa kanya ng mga magulang?

Sagot ng 23-year-old beauty queen, “Actually, it's more of my dad who gives me advice.

“He tells me to always study my lines and always know the character.

“My mom naman, she always tells me to be professional on time and to respect everyone sa set.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN