Ellen Adarna and John Lloyd Cruz spotted in hospital for checkup

IMAGE Courtesy: John lloyd Cruz / Lolit Solis Instagram

Base sa mga bagong larawan ni Ellen Adarna na lumabas sa tabloid at social media, lumapad na ang balakang nito na isang palatandaang nagdadalantao nga siya. Kamakailan ay namataan ang sexy star kasama si John Lloyd Cruz sa isang ospital para magpa-checkup diumano.


Viral ngayon sa internet ang ilang larawan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na kuha diumano sa isang hospital.

Diumano, nagtungo sa hospital ang showbiz couple para sa prenatal checkup ni Ellen, na kasalukuyang buntis sa anak nila ni John Lloyd.

Ayon sa ulat ni Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon ngayong Biyernes, December 15, nakasakay pa raw sa wheelchair si Ellen nang lumabas sa elevator ng St. Luke’s Hospital, kasama ang boyfriend na si John Lloyd.

Hindi tinukoy kung saang branch ng St. Luke's nagpa-checkup ang dalawa; kung sa Taguig City o sa Quezon City.



Dagdag pa sa report, lumapad daw ang balakang ni Ellen na nagpapatunay na ito ay nagdadalantao.

Ayon naman sa Instagram post ng talent manager na si Lolit Solis, ang pagsama ni John Lloyd kay Ellen para sa check up ay nagpapatunay na mahal talaga ng aktor ang sexy star.

Sabi pa ni Manay Lolit, "Lucky Ellen pinakita lang talaga ni John Lloyd sa lahat na hindi biruan ang relasyon nila, hopefully forever.

"kasi di ba ang sweet sweet ng sinasamahan ka sa check up ng lover mo?

"Iyon kasi mga moments medyo insecure at uncertain ang isang babae kaya dapat suportado siya ng partner niya.

"From the way it look tunay at wagas ang feeling ni John Lloyd kay Ellen.

"The best christmas joy for both, a baby to seal their love."

Mula nang inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang buntis si Ellen noong November 17, hindi pa rin nagbibigay ng direktang kumpirmasyon ang sinuman sa dalawa.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father

Pero ayon sa kampo ni Ellen, baka sa katapusan ng taon ay magsasalita na ang sexy star dahil magtatapos na rin ang mga kontrata nitong nagbabawal sa kanyang magbuntis.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna's camp breaks silence on pregnancy news
Ellen Adarna's camp breaks silence on pregnancy news


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN