Mariel de Leon does not care about negative comments

IMAGE Noel Orsal

Mariel de Leon consistently ignores bashers, "I don't care. I don't care about what other people think about me."


“2017? Oh, my gosh.”

Ito ang nasambit ni 2017 Binibining Pilipinas-International Mariel de Leon nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mga karanasan niya ngayong taon.

“It's such a roller-coaster ride, so many ups and so many downs,” sabi ni Mariel.

Si Mariel ay hinirang na Binibining Pilipinas-International noong May. Subalit bigo siyang maiuwi ang Miss International crown noong nakaraang November.

Sa kabila ng mga karanasang katulad nito, malaki pa rin ang pasasalamat ng 23-year-old na anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

“I'm grateful for every experience, especially the bad experiences because it shaped me to be the woman that I am now.

“I am now more confident, more sure of myself and more wise, which I'm very, very thankful for.

“Well, I think everyone has bad experiences because, you know, nobody's perfect and nobody should expect other people's lives to be perfect, so it's good for me.”

Bukod sa kanyang beauty contest journey, naging matunog din ang ilang isyung kinasangkutan ni Mariel sa social media.

Sa katunayan, naging dahilan pa ang mga ito para ma-bash siya online.

Gayunman, katulad ng kanyang mga naunang pahayag, nananatiling walang pakialam si Mariel sa mga negatibong sinasabi tungkol sa kanya ng netizens.

“I don't care. I don't care about what other people think about me.

“I'll just do my thing, I'll just say what I'll say and do what I want,” diretsahang sabi ni Mariel.

Diin pa niya, hindi mababago ng mga negatibong salita tungkol sa kanya ang pagpapahayag niya ng kanyang saloobin.

Ani Mariel, “I'm never gonna stop myself from being who I really am and what I really think.

“If I wanna say something, I'll say it. If someone doesn't like it, it's not my problem.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN