Sunshine Dizon warns women interested in estranged husband Timothy Tan

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Dizon's warning: "I'm still technically married. Hindi ako nag-file ng annulment. So, I'm still Mrs. Tan. So yung mga umaaligid kay Timothy, beware ha-ha-ha-ha! Asawa pa rin ako 'no!"


Nag-advance taping si Sunshine Dizon para sa kanyang mga eksena sa Ika-6 Na Utos ng GMA-7 dahil magbabakasyon siya ngayong Pasko sa U.S., kasama ang  dalawang anak at ang estranged husband na si Timothy Tan.

“To be honest, we are all leaving for the States and si Tim ay sasama. We’re leaving on the 21st and I’m very happy na my dad knows of our situation na parang hindi kami nagkabalikan ni Timo pero magkaibigan kami for the children and my dad supports that.

“We are co-parenting pero hiwalay na kami,” ang sabi ni Sunshine tungkol sa estado ng relasyon nila ni Timothy.

“I’m OK with that kasi pro-family. Yung mga anak ko, okey naman sila. Masaya sila, nakakasama nila yung dad nila.

“Sometimes, Tim and I, we still go out as a family. We have dinner sometimes. We attend school events as a family. I’m OK with that kasi masaya yung mga anak ko.

“Pero yung sasabihin mo na magbabalikan uli as husband and wife, parang sa akin sa ngayon, wala pa ako sa point na ‘yon.

“ Hindi kami super friends but, I mean, we’re very civil. Kumbaga, kapag nakita kami ni Tim na nasa labas, puwede mong isipin na nagkabalikan na sila pero hindi po. We’re just being civil and  I think, perfect yung term na co-parenting para sa aming dalawa.

“Happy yung mga anak ko. Actually, si Doreen, very matured,” banggit ni Sunshine sa kanyang six-year-old daughter.

“Parang one time, siyempre, nakikita ko naman sa anak ko na kapag Sunday, lumalabas kami as a family, nagmo-mall kami, yung anak ko, parang kinikilig na hindi mo maintindihan.

“Sinasabi niya sa friend niya na, ‘It’s a very good day.We’re out as a family.’

“Minsan, ikinukuwento sa akin ng friend ko, ‘O humo-hopia na naman ang anak mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang gagawin ko, kinakausap ko siya kasi I don’t want to confuse her also. I tell her, ‘Doreen, did you understand that mom and dad are OK? We are friends.’

“Ang isasagot niya sa akin parati, ‘Yeah, mom. I’m happy that you and dad are OK. You’re friends, instead of you together, but fighting.’

“May masasabi pa ba ako doon? Six years old yung anak ko, ganoon sumagot? Nakakaloka, ‘di ba?” ang natatawa na kuwento pa ni Sunshine.

“I’m still technically married. Hindi ako nag-file ng annulment. So, I’m still Mrs. Tan. So yung mga umaaligid kay Timothy, beware ha-ha-ha-ha! Asawa pa rin ako ‘no!”

NO CHANCE OF GETTING BACK TOGETHER? Hanggang kalian ike-claim ang pagiging legal na asawa ni Timothy?

“Ewan ko, kasi honestly, I’m at a point in my life wherein I don’t want to get married naman. I don’t have plans, honestly, of getting married again or getting into a relationship.

“I’m happy with my career and I’m happy with my children, so parang ayoko nang guluhin.

“With regards to my relationship naman to Timothy, okey naman din kami. Hindi kami nag-aaway. I don’t ask questions.

“Kung mag-date man siya o kung nasaan man siya, I don’t ask. Sa akin, hindi naman magulo. Basta pagdating lang sa mga bata, okey siya, maayos kami.”

Paano kung siya ang gumawa ng effort to win you back?

“Ah, hindi ko pa rin sure. Hindi pa ako ready. Masakit pa rin ha-ha-ha. May sakit pa din,” pahayag ni Sunshine na positive at mature na ang mga pananaw sa buhay dahil sa mga karanasan.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN