Palace defends pre-debut photoshoot of Pres. Duterte's granddaughter in Malacañang

IMAGE Screen capture from The Young Observer (Isabelle) / Instagram: @harryroque

Presidential Spokesperson Harry Roque says there is nothing wrong with Isabelle Duterte's pre-debut photo shoot done inside Malacañang.


“Sa ’kin, wala namang masama doon. Nag-pose lang for birthday pictures yung apo ni Presidente sa Malacañang,” bungad ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hinggil sa ginawang photo shoot para sa nalalapit na debut ng apo ni President Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Naging viral sa social media ang nangyaring photo shoot ni Isabelle Duterte sa loob ng Malacañang para sa kanyang 18th birthday celebration sa January 26, 2018.

Si Isabelle ay anak ni Davao Vice Mayor Paolo Duterte at dating asawang si Lovelie Sangkola Sumera.

“I don’t think it should be an issue. Kasi dapat nga nakatira sila sa Malacañang. Hindi naman sila tumitira sa Malacañang so gaya sila ng ordinaryong mamamayan na pwede ring mag-picture-picture sa Malacañang,” pahayag ni Roque, sa ulat ng GMA News Online, December 15, Biyernes.

“Huwag na po nating ipagkait yung photo opportunity sa loob ng Palasyo.”

Pahayag pa ng presidential spokesperson, mas gusto raw ng Pangulo na hindi na lumalayo para puntahan ang mga kasiyahan.

Wala rin daw ginastos na buwis ng tao sa mga kaganapang ito.

“Ayaw na lang lumalabas ni Presidente para sa mga social events so kung gusto mo makasama ang presidente, pupunta ka dito, dala-dala mo caterer mo. Walang taxpayer’s money.”

Noong November, dalawang selebrasyon ang ginanap sa Malacañang na dinaluhan ni Pangulong Duterte—ang binyag ng anak ni  Robin Padilla at ang birthday party ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN