Miss Tourism Int'l. 2017 Jannie Alipo-on says Wowowin stint boosted her confidence

IMAGE Courtesy: Adib Rawi Yahya, The Sun Daily, Malaysia

Recently-crowned Miss Tourism International 2017 Jannie Loudette Alipo-on acknowledged that her Wowowin co-hosting stint helped tremendously in boosting her confidence: "Nakakatulong yun kasi siyempre nakaharap ka sa camera, nakaharap ka sa maraming tao, nagsasalita ka sa harap ng maraming tao."


Kontesera kung tawagin ang kinoronahang Miss Tourism International 2017 na si Jannie Loudette Alipo-on.

Inamin ng beauty titleholder na bago siya lumaban sa Miss Tourism International, sumali rin siya sa dalawang major beauty pageants sa Pilipinas at bigo raw siyang manalo ng titulo.

Sumali si Jannie sa Miss Earth noong 2013 at ni-represent niya ang Municipality of Cabugao, Ilocos Sur.

Noong 2015, sumali naman siya sa Miss World Philippines. Nakaabot si Jannie sa Top 13 semi-finalists.

Noong 2017, naging isa siya sa candidates ng Mutya ng Pilipinas at ni-represent niya ang Navotas City.

Dito na siya nanalo ng title bilang Mutya Ng Pilipinas-Tourism International.

Ito ang nagsilbing daan para sa pag-represent niya ng Pilipinas sa Miss Tourism International sa Johor Bahru, Malaysia noong nakaraang December 6, 2017, kunsaan siya ang ginawaran ng korona.

"Nasalihan ko na lahat tapos ito na yung chance kong ma-represent yung country natin.

"Hindi ko ine-expect na mananalo ako at maiuuwi ko ulit yung korona para sa Pilipinas.

“Napakasaya lang, parang natanggalan ako ng tinik sa dibdib,” diin pa ni Jannie sa kanyang panayam sa GMA news program na 24 Oras noon nakaraang December 11.

Si Jannie ang ikaapat na Pinay na manalo ng korona bilang Miss Tourism International.

Ang mga past winners nito ay sina Maria Esperanza Manzano noong 2000, Rizzini Alexis Gomez noong 2012 at Angeli Dione Gomez noong 2013.

THANKFUL. Naging malaking tulong daw kay Jannie ang pagiging co-host niya noon sa programang Wowowin ni Willie Revillame.

Dahil dito, nagkaroon daw siya ng confidence sa pagharap sa maraming tao.

Lahad niya, "Nakakatulong yun kasi siyempre nakaharap ka sa camera, nakaharap ka sa maraming tao, nagsasalita ka sa harap ng maraming tao.”

Bilang Miss Tourism International, layunin ni Jannie na i-promote ang turismo ng Pilipinas sa pamamagitan ng social media.

Matagal na raw dream ni Jannie na magkaroon ng sarili niyang travel blog.

Sa pagbalik ni Jannie ng Pilipinas, nangako siyang babalik siya sa Wowowin para magpasalamat sa suportang ibinigay sa kanya ng mga tao roon, lalung-lalo na kay Kuya Will.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN