Engaged na ang dating Sexbomb member na si Sunshine Garcia at ang actor-politician na si Alex Castro.
Ibinahagi ito ni Alex sa kanyang Instagram account kaninang madaling araw, December 17.
Simple lang ang naging caption ni Alex sa post: Isang singsing na emoji at ang hashtag na #SlexRoadToForever.
Makikita sa litrato na parang naiiyak pa si Sunshine habang ipinapakita ni Alex ang singsing na suot ng Banana Sundae host.
Naging bahagi rin ang mga kaibigan at kapamilya ng magkasintahan sa naging wedding proposal ni Alex, na sa kasalukuyan ay board member ng Marilao, Bulacan.
Naging magkasintahan sina Alex at Sunshine noong taong 2015.
