Jolina Magdangal's second baby due May 2018

IMAGE Rose Garcia

Jolina Magdangal on her second pregnancy: "Magpu-four months na siya and parang malaki siya sa four months. Okey naman, wala akong masyadong lihi-lihi. Pero parang palagi feeling ko, nasusuka 'ko pero hindi naman natutuloy. Biglang umarte, parang ganun. Mas sensitive ngayon."


Posibleng May 2018 ipanganak ni Jolina Magdangal ang ikalawang anak nila ng mister niyang si Mark Escueta.

Para kay Jolina, answered prayer daw para sa kanilang mag-asawa ang muling pagbubuntis niya, gaya na rin ng katuparan ng plano nilang makalipat muna sila ng bahay at makapag-settle down bago nila masundan ang panganay na anak nilang si Pele.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina kamakailan lang.

Kuwento niya tungkol sa kanyang pagbubuntis, “Magpu-four months na siya and parang malaki siya sa four months.

“Okey naman, wala akong masyadong lihi-lihi.

“Pero parang palagi feeling ko, nasusuka 'ko pero hindi naman natutuloy.”

Pero mas hirap daw siya sa pagbubuntis niya ngayon kesa sa panganay nila na si Pele.

Ayon kay Jolina, “Kasi ngayon, meron pa rin akong spotting, e.

“Pero kasi may polyps din. Mas mahihiluhin ako ngayon.

“Kay Pele noon, wala akong naramdaman.

“Ngayon, meron akong mga kinakain na pagkalulon ko, parang babalik. 'Tapos, ayoko ng masikip.

“Biglang umarte, parang ganun. Mas sensitive ngayon”

WISHING FOR BABY GIRL. Pareho raw sila ni Pele sa kanilang kagustuhang baby girl naman ang susunod niyang isilang.

Lahad niya, “Ang wish talaga namin ni Pele is baby girl.

“And sana, kine-claim na namin na baby girl.”

Tuluy-tuloy pa rin naman daw ang trabaho niya sa Magandang Buhay at ASAP bukod pa sa mga guestings.

HOLIDAY PLANS. Ngayong malapit na ang Pasko, wala raw silang mabuo pang plano.

Pero mas malamang daw na hindi na sila mag-out-of-town o out-of-the-country.

Aniya, “Actually, gusto sana naming mag-Baguio bilang last year, nag-Baguio kami.

“Pero parang hanggang Tagaytay lang yata ang kaya kong ibiyahe. Parang ano nga, maselan.

“Arte-arte, ewan ko nga, siguro nga girl na ito bilang maarte siya.”

Kuwento pa ni Jolina, “Every two weeks, nagpapa-ultrasound ako para make sure lang na galing sa talaga sa polyps ang spotting.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AWARDS. Masaya rin si Jolina na ang kanilang morning show nina Karla Estrada at Melai Cantiveros (Magandang Buhay) ay patuloy na nabibigyan ng pansin at nare-recognize ng ilang award-giving bodies.

Kamakailan lang nga ay pinarangalan sila ng Anak TV Award.

“Nakakatuwa na mahigit one year na ring nare-recognize yung show namin.

“Kasi, parang nakita ko yung timeline ng Facebook, parang nag-one year na yung Com Guild, 'tapos ngayon, Anak TV naman.

“Sobrang thankful talaga kami,” pagpapasalamat niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN