Richard Gomez tackles Yolanda, other disasters in one-man art exhibit

IMAGE Glenn Regondola

Actor-politician Richard Gomez mounts a one-man art exhibit, titled "Surface," at the Pinto Art Museum, in Grand Heights Subdivision, Brgy. San Roque, Antipolo City.


Ang Yolanda (116 in. X 116 in. Mixed Media 2017) ang pinakapaborito ni Richard Gomez sa abstract paintings niya na naka-exhibit sa apat na gallery ng Pinto Art Museum, sa Grand Heights Subdivision, Brgy. San Roque, Antipolo City.

Polyptych (4 square panels) ito na naglalarawan ng kilabot at kariktan ng isang bagyo.


Yolanda

Masayang kuwento ng alkalde ng Ormoc City sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Alam mo, natapos ko ‘to, ngayon ko lang nakita na nakasabit sa wall.

“Kasi, most of these works, tinatrabaho ko sa floor o kaya sa table.

“Nandoon ako sa room sa likod [ng bahay] namin, sa may swimming pool.

"Minsan naman, pag nasa Ormoc, nasa garahe.

“Iyong mga ginawa ko sa Ormoc, nasa itaas, pag-akyat dito.”

Kabilang pa sa mga pangunahing obra ni Richard na tampok sa one-man exhibit niyang pinamagatang "Surface" ay ang 6.4 Magnitude (78 in. x 78 in. Acrylic 2017), Epicenter (78 in. X 78 in. Acrylic 2017), at Marawi (49 in. x 57 in. Acrylic 2017).


6.4 Magnitude


Epicenter

Sa artworks ni Richard, ang paborito ng maybahay niyang si Leyte Representative Lucy Torres ay ang Winter is Coming (58 in. x 58 in. Acrylic 2017) dahil masugid itong tagasubaybay ng TV series na Game of Thrones.

Nakangiting sambit ng 51-year-old actor-politician, “Very supportive si Lucy sa mga ginagawa ko, itong endeavor na ito. Pinapanood niya ako paggising sa umaga.

“Iyong mga video na inilalabas ko sa Instagram, siya ang kumukuha nun.”

GOMA'S INSPIRATIONS. Noon pang 1990s nagdu-drawing si Richard, pero ang major works na bahagi ng "Surface" exhibit niyang ito ay three years (2015-2017) in the making.

Sabi pa niya, isa sa malaking influence sa kanya bilang painter ay ang guest sa exhibit na si Ian Veneracion.

“Sana, hindi bad influence!” singit ni Ian, at mataginting silang naghalakhakan ni Richard.

Dagdag ng mayor ng Ormoc, mga kaibigang pintor ang naka-inspire sa kanya sa painting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sina Ferdie Montemayor... sila ang source of inspiration ko sa mga ganitong teknik.

“Marami kasi akong friends na mga artists. Natutuwa sila, and they’re very supportive.”

Mas nae-enjoy ba niya ang painting kesa photography na nakahiligan niya dati?

Paliwanag ni Richard, “Siguro, ano yun, product na rin ng photography itong mga painting na ito.

“Nakikita ko muna ang vision, saka ko ite-turn into painting.

"Like, ito, Yolanda, napakalaking sight ito. Yun ‘yong picture ko, then pag-paint ko, gusto ko, may energy.

“May tapon ng mga paint. Yung presentation, may malakas na hangin, malakas na tubig.”

GOODBYE SHOWBIZ? Goodbye showbiz na ba siya?

Mabilis na sagot ni Richard, “Hindi! Actually, talagang nami-miss ko.

"Siguro, ano lang... maraming ginagawa sa Ormoc ngayon, pero I want to do a movie again.

“Pero service muna sa Ormoc.”

Sabi ni Dawn Zulueta, nami-miss na nito ang tandem nila.

Reaksiyon dito ni Richard, “Oo nga, e. Actually, when we’re watching the Regine [Velasquez' concert sa MoA, sabi ni Lucy, ‘Alam mo, nami-miss kita na pinapanood kita.’

“Ang sabi ko naman, ‘Alam mo, nami-miss ko na rin ang ginagawa ko sa pag-aartista...’

“Nami-miss ko talaga!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN