Miho Nishida confirms undergoing cosmetic surgery

IMAGE Instagram (@real.miho_nishida / Tonight With Boy Abunda)

MIHO NISHIDA, BEFORE AND AFTER. The Kapamilya actress opens up about undergoing cosmetic surgery to improve her looks. "Gusto ko lagi akong maganda, lagi akong handa kung nasaan man ako."


"Gusto ko lagi akong maganda, lagi akong handa kung nasaan man ako."

Ito ang paliwanag ni Miho Nishida kung bakit siya nagdesisyong sumailalim sa cosmetic surgery.

Naging usap-usapan kamakailan sa social media ang pagbabago ng histura ng Pinoy Big Brother 737 Big Winner.

Marami ang naintriga kung sumailalim siya sa cosmetic surgery.

Sa episode ng Tonight With Boy Abunda noong December 15, Biyernes, diretsong sinagot ni Miho ang tanong tungkol sa kanyang “pagpaparetoke.”

Saad niya, “For me, Tito Boy, gusto ko lang mag-improve sa sarili ko.

“Para sa akin, Tito Boy, sa isang artista, gusto ko lagi akong maganda, lagi akong handa kung nasaan man ako.

“Gusto kong maipakita sa tao na, ‘Ay, maganda pala si Miho. Maganda siya.’

"Kasi yun naman ang trabaho natin, lagi kailangan tayong maganda, maayos.

“So, yun lang po.”  

Ito ang unang pagkakataong diretsong inamin ni Miho na nagparetoke siya.

Nang mag-guest siya sa dzMM Teleradyo show na Showbuzz noong nakaraang linggo, umiwas siya sa tanong kung nagpagawa siya ng ilong.

Pero inamin ni Miho na tumaas ang confidence level niya dahil sa kanyang “improved looks.”


Stories We Are Tracking

Miho Nishida speaks up about her
Miho Nishida speaks up about her "improved look"

DATING YOUNG JV. Samantala, inamin nina Miho at Young JV na nagkakamabutihan sila ngayon.

Nang tanungin si Miho sa estado ng kanilang relasyon, sagot niya, “Parang kahit hindi man niya sinasabi na 'I love you' or whatever, nararamdaman ko rin na masaya kami pag magkasama kami.”

Ayon naman kay Young JV, na kasama ni Miho na nag-guest sa show ni Boy Abunda, “Naghihintay lang po ako, Tito Boy. I wanna respect her space.

“Alam ko busy siya sa pamilya, sa anak niya, sa paligid niya.

“Sabi ko sa kanya, ‘I’m always gonna be there, not just because I like you, because I wanna be there as a friend, as a best friend, as a whole.’

"Kasi ayoko yung, ‘I wanna be here just because I felt I like you.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN