Court of Appeals rejects Jason Ivler appeal to overturn decision on murder case

IMAGE GMA News

The Court of Appeals affirmed the murder conviction of Jason Ivler.


Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang hiling ng kampo ni Jason Ivler na baliktarin ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court kaugnay ng kasong pagpatay sa anak ng isang dating government official.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, pinaboran ng Court of Appeals ang naunang hatol ng QC-RTC na reclusion perpetua laban kay Ivler noong 2015.

Noong November 2009, nasangkot sa isang road-rage incident sina Jason at Renato Ebarle Jr., anak ni dating Presidential Chief of Staff undersecretary Renato Ebarle Sr.

Ilang tama ng baril ang tinamo ni Ebarle mula kay Ivler, na naging sanhi ng agad na pagkamatay ng una.

Hindi pa agad sumuko noon si Ivler, pamangkin ng music icon na si Freddie Aguilar.

Noong January 2010, nakipagpalitan ng putok ng baril si Ivler sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation, na umaresto sa kanya sa bahay ng ina niyang si Marlene Aguilar.


Stories We Are Tracking

<p>Jason Ivler found guilty of murder</p>

Jason Ivler found guilty of murder

Jason Ivler transferred to Quezon City Jail
Jason Ivler transferred to Quezon City Jail

Bukod sa 40 taong pagkakakulong, itinaas din ng CA ang multa para sa damages sa P916,590 mula sa P248,890.

Ipinag-utos din nito ang karagdagang 6 percent na interes sa bawat taon, na magsisimula sa pinakahuling desisyon sa kaso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN