Richard Gomez warns daughter Juliana: "Huwag ka munang magbo-boyfriend, kakalbuhin kita!"

IMAGE Richard Gomez Instagram

Lucy Torres-Gomez on 17-year-old daughter Juliana experiencing first love: "Ang palagi kong sinasabi kay Richard, it's inevitable. Ayoko namang lumalaki si Juliana na may takot. Kasi, it's not a bad thing. It's a beautiful thing—to fall in love, di ba? Na may manliligaw. It's part of a girl's life."


“Huwag ka munang magbo-boyfriend, kakalbuhin kita!”

Iyan ang biro ni Richard Gomez nang tawagin ang unica hija na si Juliana Gomez sa opening program ng Surface exhibit niya sa Pinto Art Museum, Antipolo City, Linggo ng gabi, December 17.

Nagtawanan at nagpalakpakan ang mga panauhin, habang nakaakbay si Richard sa misis niyang si Lucy Torres-Gomez at anak nilang si Juliana.

Nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard matapos ang ribbon cutting, inusisa namin siya kung bawal pa talagang mag-boyfriend ang anak niya.

“Bawal pa!” natatawang sagot agad ng actor-politician.

“Bata pa kasi. Seventeen pa lang!

“Every once in a while, alam ko, may nanliligaw. May umiikot sa gilid.”

Wala pa raw ipinapakilala si Juliana na BF material. Sa edad nito, kilig-kiligan na siyempre ito sa boys.

Kuwento pa ni Richard, “Sabi ng mommy niya, ‘Alam mo ba na maraming nanliligaw sa anak mo?’

“Sabi ko, oh, my God! Eto na po! Eto na yun!”

Anong nararamdaman niya?

“Nanlalamig yung batok ko!” tawa niya.

Handa na ba siyang maging lolo?

“Hindi! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

NOT READY YET. Marami pang panauhin si Richard sa exhibit, kaya si Lucy na ang ininterbyu namin nina Glenn Regondola at Ricky Calderon.

Natawa si Lucy nang kumpirmahin namin sa kanyng  hindi pa handa si Richard na magka-BF ang anak nila.

“I think, any father kasi, hindi talaga handa,” napangiting pasakalye ni Lucy.

“Ang palagi kong sinasabi kay Richard, it’s inevitable.

“Ayoko namang lumalaki si Juliana na may takot. Kasi, it’s not a bad thing.

“It’s a beautiful thing—to fall in love, di ba? Na may manliligaw. It’s part of a girl’s life.

“So, at some point, she will experience that. And then, ang akin lang talaga, she ends up with the right man.

“I can only pray, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang ipinapayo niya kay Juliana kaugnay sa pagdadalaga nito?

“I always tell her, ‘Huwag kang magmadali. Sa ngayon, ang liit-liit pa ng mundo mo. Ito lang yung nakikita mo. When you go to college, you meet more people, and marami ka pang makikilala.’

“No reason to just have one boyfriend when you can have many, many friends! Yun ang line ng lahat ng magulang, di ba?!” masayang halakhak ni Lucy.

Ano kaya ang reaksyon ni Richard kung may magparamdam na kay Juliana?

“I remember, there was one Valentine’s Day, a few years ago... may dumating,” matamang lahad ni Lucy.

“Pagkaganda-gandang bulaklak! Pagkalaki-laking teddy bear!

“So, in my mind, ‘Ay! Ang sweet naman ni Richard!’

“Kasi, feeling ko, tingin ko kay Juliana, bata pa... sweet naman ni Richard... sabi ko, ‘Ay! Halika! Patingin ng card!’

“Sabi ng yaya, ‘Kay Inday Juliana ito, Ma’am, hindi sa ‘yo!’

“Hala! Parang may manliligaw na. Yung daddy niya, that time, tulog.

“Paano ko kaya sasabihin kay Richard noon na hindi siya magugulat?

"Paano ko naman itatago ang teddy bear na mas malaki pa sa akin, di ba?

“Habang tulog siya, ginising ko siya. ‘Honey, huwag kang magulat, ha? Pero paglabas mo mamaya, may bulaklak, may malaking teddy bear... hindi ‘yon galing sa ‘yo, para sa akin."

Sina Aga Muhlach at Robin Padilla, may mga apo na. Naiisip na ba ni Lucy na malapit na siyang maging lola?

“Ay, hindi pa!” impit na tili ni Lucy.

“Seventeen pa lang si Juliana. Ang layo pa nun! Hindi pa pwede!”

Ilang years pa bago maging puwede?

Napakunot-noo si Lucy, “Dapat mag-asawa siya, mga ano na siguro... talagang ganun?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Twenty-plus... basta, huwag siyang magmadali.

"Ang sinasabi ko lang talaga, ‘Juliana, I only want whoever God prepared for you. Kung sino man ang lalaking iyon, gusto kong magtagpo kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'And then, yun yung mapapangasawa mo.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN