Raymart Santiago opens up about struggles of raising kids from a broken family

IMAGE James Patrick Anarcon

Raymart Santiago on raising his kids well despite their broken family: "Hindi ko alam gagawin ko kung papaano... Hindi ko alam talaga kung papaano. Hopefully, maging okey sila paglaki."


Aminado si Raymart Santiago na matinding responsibilidad ang pagpapalaki ng mga anak sa isang broken family.

Sa kaso nila ng estranged wife niyang si Claudine Barretto, umaasa raw ang Kapuso actor na lumaking maayos ang mga anak nilang sina Santino at Sabina sa kabila ng kanilang unconventional family set-up.

Nasa poder ni Claudine ang dalawang bata, pero pinayagan daw ng aktres na libreng mabisita ni Raymart ang mga ito.

“Siguro naman maintindihan na nila. Kasi hiwalay naman kami, e,” saad ni Raymart tungkol sa desisyon nila ni Claudine na maghiwalay mula noong 2013.

Patuloy ng 44-year-old Kapuso actor, “Very close ako sa mga anak ko dati.

"Yun lang, the sad thing is nadadamay talaga yung mga bata pag naghihiwalay ang parents."

Paano nga ba niya dapat gabayan ang mga anak?  

Sagot ni Raymart, “Hindi ko alam gagawin ko kung papaano... Hindi ko alam talaga kung papaano.

“Hopefully, maging okey sila paglaki.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raymart sa omnibus presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa QCX Museum, sa Quezon City Memorial Circle, noong Sabado, December 16.

Bukod sa pagpu-promote ng kinabibilangang MMFF entry na Haunted Forest, patuloy pa rin ang taping ng kinabibilangan niyang GMA Network primetime soap na My Korean Jagiya.

Pero kahit abala sa trabaho ay sinisikap daw niyang makontak ang mga anak para kamustahin ang mga ito.

Maiksing saad ni Raymart, “Kausap ko kanina, okey naman.” 

Unconventional man ang kanilang family set-up, positibo si Raymart dahil patuloy raw ang magandang komunikasyon sa pagitan nila ni Claudine, partikular na sa usaping visitation rights ng aktor.

Sabi niya, “Walang fixed, e. Pero anytime naman, puwede ko silang puntahan.”

Excited din daw ang aktor na makapiling sina Santino at Sabina sa darating na Pasko.

“Hindi natin masabi yung schedule din ng mga anak ko.

"Pero yun ang plano ko—na mag-celebrate kasama ko yung mga kapatid ko at yung mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Last year kasama ko yung mga anak ko din. So, hopefully this year, ganun pa din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN