Sue Ramirez apologizes to netizen for flashing middle finger

IMAGE Noel Orsal

A 51-year-old netizen related her bad experience with Kapamilya actress Sue Ramirez in a Facebook post, which she deleted later on. In another post, the netizen said Sue apologized for her alleged rude behavior.


Humingi na raw ng paumanhin si Sue Ramirez sa taong diumano'y napakitaan niya ng hindi magandang asal kamakailan.

Sa pamamagitan ng Facebook post, inilahad ng netizen na si Jeanette Terrenal Alba ang di magandang karanasan niya sa Hanggang Saan actress sa isang parking lot.

Nag-flash umano ng middle finger ang 21-year-old actress nang inakalang inunahan siya ng 51-year-old na si Jeanette sa isang parking slot.

Lahad ng netizen sa kanyang deleted post noong December 16, “I just want you to know na ako yung nauna sa yo naghintay ng parking slot sa Singsing Restaurant.

"Kung nauna akong magpark, you do not have the right to put your finger out of your car and made that dirty finger sign.

"I maybe a 51 yr old woman but my vision is clear."


Agad naman itong binura ng netizen.

Ngunit kasunod nito ang isang post na nagsasabing humingi na sa kanya ng paumanhin ang Kapamilya actress.

Maluwag naman daw itong tinanggap ni Jeanette.

Pahayag ng netizen, “I have accepted the sincere apology of Sue Ramirez. Thank you to those who took the flight with me. I will make my posts private now.”

Kasama rin dito ang mensahe para sa fans ni Sue.

“To her fans, please continue liking her, it may be a case of misunderstanding.

“To those who were hurt by this, my apology.

“Hindi po ako artista na gustong sumikat, i was just expressing my disappointment.”

Sa huli, nagbigay ng paalala sa Jeanette sa mga artista, na iniidolo ng kani-kanilang fans.

“Sa mga artista, tinitingala kayo ng fans ninyo, dont do 'dirty finger' in public. Salamat.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Sue kaugnay ng isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN