Jessy Mendiola "thankful for love" despite controversies, lackluster career in 2017

IMAGE Nerisa Almo

Jessy Mendiola on her showbiz career: "Medyo na-stall yung work ko... But I know I can whip it up again."


Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Jessy Mendiola ngayong 2017, lubos pa rin ang pasasalamat niya sa pagmamahal na nadama niya mula sa mga taong malapit sa kanya.

“I am thankful for love,” nakangiting sabi ni Jessy sa panayam sa kanya kamakailan.

“With everything that happened to me, parang love yung kinapitan ko—not only from Luis, but also from family, friends, from people around me.

“When you feel love, it's not so hard to give back love, and I'm really thankful for that.”

Ang tinutukoy ni Jessy na Luis ay ang boyfriend niyang si Luis Manzano, na laging handang ipagtanggol siya laban sa pamba-bash ng mga netizen.


Stories We Are Tracking

Luis Manzano considers Jessy Mendiola
Luis Manzano considers Jessy Mendiola "the strongest person"
What Luis Manzano admires most about Jessy Mendiola
What Luis Manzano admires most about Jessy Mendiola

Aminado ang 25-year-old actress na hindi naging maganda ang takbo ng kanyang showbiz career ngayong taon.

Kabilang na rito ang pagkawala niya sa weekly gag show ng ABS-CBN na Banana Sundae.

Itinuturing na lamang daw niya itong pagsubok at umaasa siyang muling makababalik.

“Siguro medyo na-stall yung work ko, nag-back track yung career ko.

"But, you know, there are things in life na hindi mo maipagpapalit sa career, di ba?

“But I know I can whip it up again, I'm taking my time.

“I know that I can do so much, I can still do so much.

“Maybe not shown, but I feel like I wanna do more, and Luis knows that.”

Sa huli, muling ipinahayag ni Jessy ang kanyang pasasalamat sa patuloy na suporta ng mga taong nagmamahal sa kanya.

“I'm really thankful for the strength that my family, my friends, and Luis, na ibinibigay nila sa akin.

"That itself is a blessing for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN