Migo Adecer on premarital sex: "There's a greater love than just sex."

IMAGE Noel Orsal

Migo Adecer on turning 18 years old: "Can't wait to see the outcome on who I am to become, more as a mature person. Kasi, right now, I'm just… I feel like I'm sixteen, I still feel like a kid, so I wanna see any character changes for the better, of course."


Dalawang taon na ang relasyon ng StarStruck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer sa non-showbiz girlfriend niyang si Elaver Pacatang.

Masaya raw siya sa nobya na laging nagpu-push sa kanya sa mga panahong gusto na niyang sumuko.

Sabi ni Migo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m very happy and she’s very supportive when it comes to my job. Sa mga scenes sa GMA, hindi siya nagseselos.”

Naging sandalan na rin daw niya si Elaver, lalo ngayong nakatira sa Australia ang kanyang mga magulang at kapatid.

“Definitely, kasi ang mga parents [ko], wala sila for one year, wala akong moral support…

"She’s a blessing in disguise," saad niya.

Bukas, December 20, ang ika-18 kaarawan ni Migo.

Ngayong nasa tamang edad na siya, ano ang masasabi niya tungkol sa premarital sex?

Tugon niya, “Oh, definitely something that you should stay away from.

“There is sex in the Bible, but in this generation, of course, it’s a very regular thing, people like to have fun, I guess.

"And I’m not hating on that kasi marami akong kilala sa Australia na ganyan, and hindi taboo ‘yan sa amin.

“Pero siyempre, if ever you do one day, you feel conviction in your heart and you have curiosity, you’ll understand that there’s a greater love than just sex.”

MIGO TURNS 20. Nitong nakaraang Huwebes, December 14, nagkaroon ng advance birthday celebration ang GMA Artist Center para kay Migo, na ginanap sa Cave Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa celebration ni Migo ang kanyang mga magulang na sina Kaye at Dennis Adecer na umuwi pa mula sa Australia upang makisaya sa kanilang anak.


Dumagsa rin ang ilang fans ng aktor, ang Migonatics.


Ano ang pakiramdam ngayong adult na siya at malaya na siyang gawin ang mga bagay na hindi niya maaaring gawin noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Migo, “I am, like, excited.

"It’s an age that I wanted to be dahil siyempre, nainggit ako sa mga friends ko, sa labas nila [gimik], na marami silang freedom. Puwede sila mag-gimik.

"At yung buhay nila, more interesting, dahil more free sila.

"I think I was able to experience that at an early age dahil GMA gave me that freedom to work here.

“To be eighteen, I’m just happy to be eighteen.

"Can’t wait to see the outcome on who I am to become, more as a mature person.

"Kasi, right now, I’m just… I feel like I’m sixteen, I still feel like a kid, so I wanna see any character changes for the better, of course.”

Isa raw sa mga wish ni Migo ang maging maayos pa ang kanyang pagsasalita ng Tagalog.

Sabi niya, “Sana ma-improve ko ang Tagalog ko para mas diretso at magandang pakinggan.

“At sana mas marami pang roles at mas mahaba pa yung career ko dito sa Pilipinas.”

Maganda ang pagpasok ng 2018 para sa binata dahil kasama siya sa bagong primetime series ng GMA Network na The One That Got Away.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN