Coco Martin sacrifices time for family to give them a comfortable life

IMAGE Noel Orsal

Coco Martin will take a short break from showbiz during the holidays. He says, "Time for my family kasi lagi talaga, wala akong time para sa kanila, kasi nga every day akong nagwu-work."


Tila walang kapaguran sa trabaho ang Kapamilya actor na si Coco Martin ngayong taon.

Bukod sa mahigit isang taon na niyang ABS-CBN primetime series na FPJ's Ang Probinsyano, nagawa pang isingit ni Coco ang 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Ang Panday, kung saan siya ay tumatayong lead actor, director, at producer.

At dahil ilang araw na lang ay magsisimula na ang taunang movie festival, todo na ang pagpu-promote ng aktor ng kanyang unang solo MMFF movie.

"Kung ano man yung ginagawa ko ngayon, binubuhos ko na yung 100 percent," sabi ni Coco sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Nandito na ako, wala nang atrasan ito, gagawin ko na lahat.

“Kaya kapag weekends, nagmu-motorcade ako, nagmu-mall show ako.

“Una, para magpasalamat sa lahat ng taong tumatangkilik sa Ang Probinsyano.

“Pangalawa, para masabi ko sa mga tao na mayroon kaming regalo sa darating na Kapaskuhan.”

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Pagkatapos ng Pasko, ilalaan naman daw ni Coco ang kanyang oras sa sarili at sa kanyang pamilya.

“Magbabakasyon naman ako, pagod na pagod na ako. Ha-ha!” bulalas ni Coco.

“Pero hindi, time for my family kasi lagi talaga, wala akong time para sa kanila, kasi nga every day akong nagwu-work.

“Pero sabi ko nga, hindi ko naman pinagsisihan yun dahil kailangan kong gawin ito para maitaguyod ko sila.

“Kumbaga, ako na yung nagsa-sacrifice para mabigyan ng future yung mga pamangkin ko, magandang kinabukasan.”

Nitong nakaraang ilang linggo lang ay masayang ipinasyal ni Coco ang kanyang Lola Matilde sa Italy, kung saan nagkaroon siya ng show kasama ang ilang co-stars sa Ang Probinsyano.


ABOUT THE AUTHOR

#MatabangReporter Follow @nherzjane on social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN