Karla Estrada hesitant to speak about relationship with non-showbiz guy

IMAGE YES! Magazine

Karla Estrada's lesson on love: "Gawin mo na lang pribado ang buhay pag-ibig dahil kapag nagkamali, kasama lahat, nahuhusgahan ka. Kapag hindi naging successful, pagpiyepiyestahan ka. Kapag naging okey naman, e, di ipakita mo successful ang buhay pag-ibig mo."


Aminado si Karla Estrada na gusto niyang manatiling pribado ang relasyon niya sa kanyang non-showbiz boyfriend upang makaiwas sa intriga.

Hangga’t maaari ay ni hindi niya ito nababanggit sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, na kanyang hinu-host kasama nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Paliwanag ni Karla, “Nahihiya ako, e. Kasi apat na beses akong nagkamali sa desisyon ko.

“Hindi yung pagkakaroon ng anak, ha? Dahil hindi pagkakamali yun, regalo ng Panginoon ang anak.”

Ang tinutukoy raw ni Karla ay ang pagbibigay niya noon ng prayoridad sa kanyang buhay pag-ibig.

Patuloy ng ina ni Daniel Padilla, “Inuuna ko kasi lagi ang sarili ko na dapat masaya ako dahil in love ako.

“Yun ang mga experiences ko na, feeling ko, itatago ko na lang para sa akin.

“Hindi naman ako natatakot na mahusguhan dahil hindi naman na ako matitibag.

“Dahil ano pa ba ang puwedeng tumibag sa akin?

“Ang damdamin na lang ng mga anak ko ang importante sa akin.”

Nakapanayam si Karla ni Boy Abunda sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda kagabi, December 18.

Dito ay sinabi rin ni Karla na hindi niya obligasyong ikuwento ang lahat ng nangyayari sa kanyang personal na buhay.

Aniya, “Gawin mo na lang pribado ang buhay pag-ibig dahil kapag nagkamali, kasama lahat, nahuhusgahan ka.

“Kapag hindi naging successful, pagpipiyestahan ka.

“Kapag naging okey naman, e, di ipakita mo successful ang buhay pag-ibig mo.”

Hindi binanggit ni Karla ang pangalan ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Ngunit ang huling napabalitang karelasyon niya ay nagngangalang Mark Yatco, na nagkaroon ng guest appearance sa defunct morning talk show na Kris TV noong October 2014.

Noong panahong iyon, inamin ni Karla na mahigit tatlong taon na silang magkarelasyon ni Mark.

Nagkakilala raw sila sa reunion party na dinaluhan ni Karla kasama ng mga kaibigang sina Sharmaine Suarez at Leandro Muñoz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Leandro raw ang nag-introduce kina Karla at Mark, na ipinanganak at lumaki sa U.S.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN